No extension sa amnesty vs illegal workers - Saudi Posted by - TopicsExpress



          

No extension sa amnesty vs illegal workers - Saudi Posted by Bombo News Team Posted in Top Stories Saturday, 02 November 2013 'No extension' sa amnesty vs illegal workers - Saudi Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago na inaanunsyo ang gobyerno ng Saudi Arabia sa extension sa amnesty period para sa mga iligal na manggagawa at mga Saudi employers. Una nang nagpaabot ng sulat si Vice President Jejomar Binay, na siya ring presidential adviser for OFW concerns sa Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah para umapela ng panibagong extension. Ang ilang mga dayuhan at mga bansa ay todo apela rin sa Labor and Interior Ministries ng Saudi na magkaroon pa muli ng pagpapalawig dahil sa pagka-delay na maproseso ang mga iqama o visa ng mga manggagawa. Ang mga OFW organizations sa Saudi ay sinuportahan din ang panawagan ni Binay. Ayon kay Abdul Ghafar Dimalutang, vice president ng Riyadh-based OFW Congress, maraming mga OFW ang nagrereklamo sa hindi naaasikasong aplikasyon nila dahil sa dami ng mga naghahabol din na ibang mga nationalities. “There are still many expatriates who have been unable to legalize their status,” ani Dimalutang sa pahayag sa Arab News. “OFWs have complained of dire overcrowding at the main offices.” Nilinaw naman ng Ministry of Labor na walang nangyayaring extension taliwas sa kumalat na balita. “Reports published on some social networking websites and channels about the possibility of another extension for illegals to correct their status, are not true. The amnesty deadline ends on Sunday and government agencies will swing into action the following day,” ani Hattab Al-Enezi, ang spokesman ng Saudi Labor Ministry. Samantala, bilang paghahanda nagtayo na ang Kingdom of Saudi Arabia ng task force mula sa ibat ibang mga police units at security agencies. Mahigit sa 1,200 na mga inspector ang mangangasiwa sa gagawing raids sa mga kompaniya, palengke at iba pang mga pampublikong lugar sa Saudi upang magsagawa ng pagrekisa kung merong mga illegal workers. Tiyak din umanong iimbestigahan ang mga pharmacies, barbershops, restaurants, security guards at drivers ng task force. Ayon sa Ministry of Labor, iinspeksyunin ang mga dayuhang manggagawa kung meron silang residency cards at kung may balidong kontrata na may stamp ng chamber of commerce. Maging ang mga Saudi nationals ay sasailalim din sa inspeksyon kung nagkakanlong sila sa mga iligal na manggagawa. Sinumang mahuhuli ay may multa ng hanggang SR100,000, pagkakakulong ng dalawang taon o ang naturang dalawang parusa kung malaman na mga repeat offenders. Kung maaalala una nang nagtakda ng deadline ang Saudi government noong buwan ng Abril at Hunyo at nagkaroon muli ng grace period na magtatapos naman sa November 3 o bukas. Sinasabing nasa 4 million na ring mga foreign nationals sa Saudi Arabia ang naayos ang kanilang labor at residency status sa panahon ng amnesty period, habang nasa 1 million illegal workers ang nakaalis na ng Saudi. Mahigit na ring 4,000 na mga Pinoy ang na-repatriate pabalik ng bansa. Sa ngayon marami pa ring humahabol at nagkukumahog na maisaayos ang kanilang mga status na mga dayuhang manggagawa. Kabilang na rito ang tatlong mga Pinay na nagrereklamo rin dahil isang linggo na silang pabalik pabalik para ma-record ang kanilang biometric details pero nag-aantay pa rin sa kanilang mga visa. Meron na kasi silang bagong trabaho at malaking kompaniya na kukuha sa kanila. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/29951-saudi-gov-t-wala-pang-kasagutan-sa-apela-ng-phl#sthash.KnkevYHI.dpuf
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 03:43:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015