Nur, dapat nang kasuhan - ARMM gov Tuesday, 24 September 2013 - TopicsExpress



          

Nur, dapat nang kasuhan - ARMM gov Tuesday, 24 September 2013 14:15 Tukoy na umano ng gobyerno ang eksaktong kinaroroonan ng pinaghahanap na si MNLF Chairman Nur Misuari, ang sinasabing utak sa Zamboanga crisis. Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman sa kaniyang pagtungo sa Kamara, nasa isang sitio sa Sulu si Misuari ngunit tumanggi siyang isiwalat ang detalye ng pinagtataguan nito. Kasama umano ng ARMM founder ang 60 hanggang 100 armadong followers nito. Sinabi ni Hataman na tina-track na ng gobyerno ang lokasyon at galaw ni Misuari para masigurong nasa loob pa ito ng bansa at hindi tuluyang makakalabas. Aminado naman ang gobernador na hindi basta maaaresto si Misuari dahil wala pa itong kaso at wala pang utos ang alinmang korte para sa paghuli kaugnay ng Zamboanga siege. Pero naniniwala si Hataman na dapat lamang na masampahan ito ng kaso kaugnay ng nangyaring gulo sa Zamboanga.
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 15:51:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015