OFW, BAN SA HONGKONG Oct 13, 2013 11:05am HKT NAKALATAG na - TopicsExpress



          

OFW, BAN SA HONGKONG Oct 13, 2013 11:05am HKT NAKALATAG na ang “alternative markets” ng gobyerno para sa overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng maapektuhan sa isinusulong na “OFW-ban” sa Hong Kong. Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga kababayan sakaling maaprubahan ang kontrobersiyal na panukala ng isang political party sa nasabing bansa. Una na ring umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing hakbang laban sa mga manggagawang Pinoy. Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, hindi aniya makatarungan na gagamiting “hostage” ng Hong Kong ang mga Filipino workers para sa kanilang demand na apology ng Philippine government sa nangyaring Manila hostage-taking incident. Maalala na sa nasabing insidente noong 2010, walong Hong Kong nationals ang namatay. Sa ngayon, tinatayang nasa 160,00 Filipino domestic workers ang naka-base sa nasabing special administrative region. Tiniyak din ni Asec. Hernandez na patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Hong Kong para mapahupa ang sitwasyon.
Posted on: Sun, 13 Oct 2013 10:48:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015