OKT NEWS 3. BALITANG ABROAD Ginoyo na, ni-rape pa ng among Indian - TopicsExpress



          

OKT NEWS 3. BALITANG ABROAD Ginoyo na, ni-rape pa ng among Indian at Arabo (Aries Cano) Abante- WEDNESDAY, AUGUST 07, 2013 ‘To the max’ ang pambababoy nainabot ng isang overseas Filipina worker sa Saudi Arabia matapos na halinhinang pagparausan ng dalawang manager sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nabatid na buwan ng Pebrero ngayong taon lamang dumating sa Kingdom ang Filipina medical worker at magtatrabaho sana itosa isang rehabilitation center. Gayunpaman, hindi natupad ang mga napag-usapang tungkulin atdapat niyang gawin sa trabaho kaya nagdesisyong magpaalam at mag-leave para makauwi sa Pilipinas. Pero pinagbabayad umano ng halagang 5,000 Saudi Riyals o katumbas ng mahigit P58,000 ang Pinay bilang kapalit ng dalawang buwang suweldong natanggap niya bukod pa sa gastusin sa tiket sa eroplano. Imbes na ihatid sa airport, dinala ang Pinay sa isang syudad (Yanbu City) kung saan naghihintay ang project managerna isang Indian national at walang awang lumuray sa kanyang pagkababae. Pagdating ng isa pang manager na Saudi national naman ay muling ginahasa ang biktima. Hindi pa natapos dito ang kalbaryo ng Pinay at paulit-ulit pa siyang pinagpasasaan ng dalawa na nagsasalitan ng pagpapaligaya sa kanyang katawan. Matapos pakawalan ay agad nagsumbong sa konsulado ang Pinay ngunit hindi pa rin napagbibigyan ang hiling nito na makauwi. Kinukupkop ngayon ng ilang nagmalasakit na kababayan ang biktima.
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 00:13:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015