PIA 3 nagsagawa ng advance journalism workshop para sa mga - TopicsExpress



          

PIA 3 nagsagawa ng advance journalism workshop para sa mga estudyante ng TCA ni: Carlo Lorenzo J. Datu CAMILING, Tarlac, Agosto 27 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ng isang araw na advanced journalism workshop ang Philippine Information Agency (PIA) Regional Office 3 para sa mga secondary at tertiary newspaper staff at iba pang mag-a-aral ng Tarlac College of Agriculture (TCA). Ayon kay PIA Regional Director William Beltran, layunin ng workshop na i-update ang mga campus journalists at iba pang mag-a-aral ng TCA patungkol sa mga kasalukuyang trends sa naturang larangan na magpapabuti sa kanilang mga gawa. Iginiit ni Beltran na ang kanilang layunin ay hindi lamang papanalunin sila sa mga press conferences kundi kunin sila bilang mga tagapagpalaganap ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa mga programa ng pambansang pamahalaan na makakatulong sa kanilang mga target audience na makagawa ng tamang desisyon at tukuyin ang mga oportunidad na magpapabuti ng kanilang pamumuhay. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang news writing, sports writing, feature writing: the art of telling stories, editorial: the soul of the newspaper, at copy reading and headline writing. Nagsilbing mga ispiker sina Tarlac Provincial Manager Carlo Lorenzo Datu, Bataan Provincial Manager Jose Mari Garcia, at Regional Staff Marie Joy Simpao. Sa isang pahayag, sinabi ni TCA President Max Guillermo na ang workshop ay hudyat ng pagsisimula ng long-term team up sa PIA. Lumagda kamakailan ng Memorandum of Agreement ang institusyon sa PIA para sa partnership sa iba’t ibang larangan ng development communication partikular sa news writing, creative writing, at communication research. (CLJD-PIA 3)
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 12:31:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015