PUNTO POR PUNTO DEC. 5, 2013 Pag-usapan nga po natin itong lalo - TopicsExpress



          

PUNTO POR PUNTO DEC. 5, 2013 Pag-usapan nga po natin itong lalo pang umiinit na patutsadahan ng dalawang senador na sila Sen. Juan Ponce Enrile at Senador Miriam Defensor Santiago. Kahapon nga po ay sinagot ni Senator Santiago ang privilege speech ni Senator Enrile noong nakaraang linggo. Babaero, mastermind ng pork barrel scam, hari ng smuggling -- ilan lamang ito sa mga patutsada ni Senador Santiago kay Senador Enrile. Inisa-isa ni Santiago ang mga pahayag sa harap mismo ni Enrile habang ngingiti-ngiti lamang ito at abala sa paglalaro ng kanyang tablet. Ayon kay Enrile, ang naging pahayag ni Santiago ay kumpirmasyon lang sa mga nauna niyang sinabi tungkol sa senadora na sadyang mahilig magbitiw ng paratang at magkaladkaad ng pangalan ng mga tao sa kontrobersya kahit wala namang ebidensya. POLL: Dapat bang sagutin ni Sen. Juan Ponce Enrile ang privilege speech ni Sen. Miriam Santiago? bit.ly/1bhZcsf
Posted on: Wed, 04 Dec 2013 22:35:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015