Paalala po sa mga Filmed Workers natin sa Libya, baka may - TopicsExpress



          

Paalala po sa mga Filmed Workers natin sa Libya, baka may nakalimot sa pinirmahan ninyong contrata: Article (19) of the MOH contract in which you signed states that: REASONS FOR TERMINATION OF SERVICES The services of the contract worker will be terminated without need to complete the contract period in one of the following reasons: 1. Death 2. Reaching the prescribed retiring age in accordance with the applied legislations. 3. Medically unfit. 4. If found guilty and punished for crimes related to him/her or the State or dangerous to its existence and internal security or which is committed against the public administration or religion and acknowledged religious liturgy, or strikes or rebellion or immoral acts, libels, forgery, swindling, impersonation, defalcation, bribery, robbery, fraud, betrayal of trust, issuance of false check, or any crimes considered by the justice committee as contrary to dignity. Kung hindi man natin naiintindihan ang nilalaman ng article na to consultahin po natin ang ating mahal na Labor Attache, Atty. Melchor B. Dizon, particularly yung #4. kung saan na mention ang respeto natin sa Religion ng host country, at kung ano yung mga "immoral acts", " contrary to dignity". Dahil ang lahat ng mga iyan ay pinapaliwanag niya sa tuwing may consultation meeting at post arrival orientation seminar (PAOS) sa lahat ng mga Filipino communities na nadalaw namin dito sa Libya. Respetuhin po natin at igalang ang Relihiyon at Kultura ng mga Muslim at Host Government kagaya ng Libya kung gusto nating irespeto nila at tatagal pa tayo dito sa bansang ito. Ingatan po nating masira ang imahen ng mga babaeng Pilipino at ang ating dignidad bilang mga Pilipino, huwag nating sayangin ang mga magagandang alaalang itinanim ng ating mga senior nurses na nagbunga ng mga magagandang inspirasyon kung saan tinatamasa natin ito sa ngayon, ang mga taong naging dahilan sa pag-angat ng ating moralidad at reputasyon at naging dahilan sa patuloy na pagtangkilik nila ng mga manggagawang Pilipino. Ang mga bayaning dumanas ng hirap at takot sa oras ng crisis, mas pinili pa nilang magpa iwan kahit sa bingit na ng kamatayan, magampanan lang ang kanilang tungkulin at mabigyan lang ng ginhawa ang kanilang mga mahal sa buhay,dahil sa kanila bumango ang pangalan ng Pilipino sa Libya sa ipinakita nilang sinceridad at kagitingan sa panahon ng Crisis hanggang sa mga araw na ito. Huwag naman natin sayangin at sirain lang ang mga magagandang bagay na yon dahil sa kagagawan lang ng iilang pasaway na mga bagong dating na ayaw makinig sa payo ng mas nakakatanda sa kanila. Pagtulungan nating ikondena at ipatigil ang mga malalaswang bagay na ginagawa ng ilang pasaway na mga kababayan upang sa gayon ay mapangalagaan natin at mapanatili ang reputasyon, puri at dangal bilang mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat. Magsasalita tayo laban sa katiwalian at pagsasamantala at hindi natin gagamitin ang ating mga kakayahang ipinagkaloob ng mahal na Diyos (ALLAH sa Arabic) sa maling bagay na salungat sa mga alituntunin ng mga taong may tamang kaisipan at moralidad. Sabi ng isa sa mga pasyenteng Libyanong nakausap namin sa isang Ospital " ang mga Filipino nurses ay parang mga Anghel na hulog ng langit para sa amin, ngiti pa lang nila at pagtrato sa amin bilang pasyente ay para na ring gamot na nakakatulong sa aming agarang paggaling". Alagaan po natin ang mga magagandang simulain na yan, ang reputasyon at bango ng ating pangalan sa bansang ito na tinuturing na nating pangalawang tahanan. Mabuhay po kayong lahat mga Filipino Medical Workers sa Libya! magising na po sana kayo sa katotohanan ........
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 03:36:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015