Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat? Si Kudarat ay - TopicsExpress



          

Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat? Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya. Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan. Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao. Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis. Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.
Posted on: Mon, 17 Jun 2013 00:02:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015