Pag signal no.1, malakas na yon. May pasok pa rin high school? Pag - TopicsExpress



          

Pag signal no.1, malakas na yon. May pasok pa rin high school? Pag signal no.2, malamang mas malakas yun, may pasok pa rin college? Antayin pa magsignal no.3 para mawalan kami ng pasok pati mga empleyado. hindi ba pwedeng baguhin ang sistema kung saan may height limits den. Hindi naman kasi lahat ng college matatangkad. Jusko. Maawa kayo samin. Pag binaha kami, lubog agad. Di din kami waterproof o anumang bagay na hindi natitibag ng bagyo. Tao din po kami. Dapat baguhin nyo na sistema nyo. Siguro mas maganda kung signal no.1 pa lang, suspendido na sa lahat ng antas. Kaligtasan ng bawat mamamayan ang nakasalalay, hindi yung araw ng pasok na mawawala sa eskwelahan. Oo malaki mawawala samin sa isang araw na di pagpasok pero buhay ang nakasalalay sa anumang sakuna na mangyayari. Dapat kasi baguhin na din start ng klase. Sept.-june na dapat. #DepEd #PAGASA #ChangeForTheBetter #ChangeTheSystem #BangonPilipinas
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 17:06:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015