Pag sinabi bang LDR kalokohan na? SYEMPRE HINDI. Malay mo seryoso - TopicsExpress



          

Pag sinabi bang LDR kalokohan na? SYEMPRE HINDI. Malay mo seryoso talaga yung dalawang tao na yun sa relasyon nila kahit hindi pa sila nagkikita o malayo sila sa isa’t isa. Atsaka ano bang alam mo sa kwento nila? Nasasabi lang naman ng iba na kalokohan kasi hindi pa nila nasusubukan at hindi talaga nila alam yung pakiramdam. Kaya kung feeling mo na kalokohan lang. Tsaka mo na sabihin yan kapag naranasan mo nang pumasok sa ganitong klase ng relasyon. Paano ba nakakatagal ang dalawang tao sa isang Long- Distance Relationship? Sa totoo lang, hindi ko alam. Nakakaya siguro nilang tumagal kasi napakalaking TIWALA yung kaya nilang bitawan para sa partner nila na kahit hindi nila alam kung hanggang saan mapupunta eh sige lang basta alam nila na nagmamahalan sila. Nagagawa nilang intindihin yung pinaka- maliit hanggang sa pinaka- komplika dong bagay. Nakakaya nila yung hirap na kahit magkalayo sila sa kadahilanang masaya sila. Yung tipong kahit hindi nila nahahawakan, nayayakap o nahahalikan man lang yung isa’t isa eh masasabi naman nila sa sarili nilang kuntento at magaan ang loob nilang dalawa. Kaya bilib ako sa may mga Long-Distance na relationship tapos tumatagal. Yung mga may relasyon kasi na malapit lang sa isa’t isa ang hirap sa kanilang magbigay ng tiwala partida pa yun araw- araw pa sila nagkikita ha. Pero yung mga nasa LDR walang abog kung magbigay ng tiwala. MEL
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 10:59:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015