‘Pag wala si Mama, nire-rape kami ni Papa’ “Palagi pong - TopicsExpress



          

‘Pag wala si Mama, nire-rape kami ni Papa’ “Palagi pong itinatapat ni Papa ang panggagahasa sa amin kapag umaalis si Mama tapos tinatakot niya po kami para huwag po kami magsumbong.” Ang mga katagang ito ang nagtulak para magwakas ang kalbaryo ng magkapatid na babae na ginagahasa umano ng kanilang sariling ama sa tuwing umaalis ng bahay ang kanilang ina sa Litex Road, Bgy. Commonwealth kamakalawa ng gabi. Itinago sa mga pangalang Julia, 11, at Marian, 7, ang magkapatid na biktima umano ng panggagahasamulasa ama na si Antonio Casugbo y Andrada, 54, janitor, ng Litex Road, na nahaharap ang suspek sa kasong rape matapos maaresto ng rumespondeng tanod na sina Reynaldo Casido at Holacio Guansing na siya namang nagdala sa himpilan ng pulisya sa Quezon City Police District (QCPD) Batasan Hills Station 6. Sa sumbong ng magkapatid, sabay umano silang ginalaw ng kanilang ama nitong Agosto 23, nang maiwan sila sa bahay at may pinuntahan ang ina. Pinakahuli umano ay nitong Setyembre 7, bandang alas-nuwebe ng umaga nang muli na namang magpaalam ang kanilang ina na noo’y may sasadyain sa kanilang kapitbahay. Ngunit matapos umano ang panggagahasa ay nagdesisyon na ang magkapatid na magsadya sa barangay hall at humingi ng tulong kina Casido at Guansing at inaresto ang suspek. “Mabuti‘yanpara magtanda siya sa ginawa niya. Sarili pa niyang mga anak, binaboy niya!” sambit naman ng ina ng magkapatidnatumangging magpabanggit ng pangalan. Abante News Admin Rapista
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 09:03:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015