Pana ng Karunungan, lalabas na PATULOY ang paghahari ng #1 - TopicsExpress



          

Pana ng Karunungan, lalabas na PATULOY ang paghahari ng #1 superhero drama series ng ABS-CBN na Juan de la Cruz sa national TV ratings matapos nitong talunin ang bagong katapat na programa sa GMA na Anna Karenina. Patunay rito ang huling datos ng Kantar Media noong Lunes (Hunyo 3) kung kailan umariba ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ng 36.2% national TV ratings kumpara sa pilot episode ng Anna Karenina na mayroon lamang 16.2%. Abangan ang lalong pag-init ng mga tagpo sa Juan de la Cruz ngayong natuklasan na ni Juan ang mundo ng mga engkanto. Paano matutulungan ni Juan ang mga diwata sa nakaambang panganib sa kanilang kaharian? Dito na ba niya mapapalabas ang PANA NG KARUNUNGAN? Nga*yong pinaplano na ni Samuel (Albert Martinez) na aminin kay Juan na siya ang ama nito, ano ang gagawin ng mga engkanto kapag nalaman nila na ang Tagabantay at ang Anak ng Dilim ay iisa? abante-tonite/issue/j...m#.Ua9z_BaffJw
Posted on: Thu, 06 Jun 2013 00:29:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015