Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng Kaibigan... Nabasa ko po ito...di ko - TopicsExpress



          

Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng Kaibigan... Nabasa ko po ito...di ko rin alam ang sasabihin ko...parang..hmmm...basahin nyo na lang po...hehehhe -iris I’m sure in our lifetime, may naging kaibigan tayong traydor. Traydor sa negosyo. Traydor sa pag-ibig. Basta traydor ganun at ganun din ang meaning. Pinakamasaklap eh kapag yung nagtatraydor sayo eh hindi mo inaasahang tatraydurin ka. At ang pinaka-nagiging malaking problema ay kung papano i-treat ang mga ganitong klaseng tao. Heto ang maipapayo ko… Tanggalin nyo na agad ang mga hinayupak na yan sa accounts nyo sa FaceBook, friendster, plurk, YM, Twitter at kung anik-anik pa. Hindi mo na kailangang malaman ang mga pinanggagawa nila. Huwag mo munang i-delete ang phone numbers nila sa cellphone mo. They might try to call or text you para mag-explain. Dapat alam mong sa kanila galing ang call or text messages para maramdaman mong masarap mandedma ng traydor. Masama ang manira ng kapwa. Pero para sa akin exception to the rule ang mga traydor. Umpisahan mong mag-post ng Blind Item sa shout-out mo. Box-office hit yan sa dami ng mga usyusero. Saka ka na magkwento sa katrayduran nila. Sabi nila hate the sin but forgive the sinner. Neknek sa kung sinumang nagsabi nito. Hate both of them. Ikaw na nga ang trinaydor magiinarte ka pa kung sinong dapat lang na i-hate mo? Hate them to death. Huwag na huwag mong babaguhin ang routine ng buhay mo para umiwas sa mga traydor. Mahirap sa umpisa lalo pa’t you find yourself in the same party or venue ng mga demonyong yun. Tiisin mo na lang. Hayaan mong sila ang mag-walk out. Huwag nyo akong gayahin dahil hindi ko na uulitin mag-walk out. Chances are magpo-post din ng shout-out ang mga traydor to justify their actions. Chances are makakarating sayo yan. Pwes, huwag kang magpapa-apekto. Ano ka bale? Remind yourself na hindi ikaw ang gumawa ng kagaguhan. Ikaw ang ginago kaya’t kahit anong explanation nila, muka pa rin silang basura. I’m sure na may common friends kayo. Ngayon pa lang sabihin mo na sa common friends nyo what they did to you. Short of saying na i-delete na rin nila ang mga traydor mula sa friends list nila. Kung kailangang papiliin mo ang mga common friends mo, gawin mo. Huwag mo nang isipin pang gumanti. Makakarma din sila. Huwag mo ring ipagdasal na makarma ang mga traydor kasi hindi papansinin ang dasal mo. Huwag mo naring isumpa. Hayaan mo na ang karma ang kumolekta ng ganti sa kanila. Hayaan mo na ang pinagsamahan nyo ng matagal. Bakit ka pa magpapaka-sentimental? Ikaw na nga ang inahas mag-eemo ka pa? Isipin mo na lang na namatayan ka ng pet na maraming galis. And finally, huwag ka nang tatanga-tanga. Don’t be gullible. Hindi porke mukang santo eh mabait na. Hindi porke magaling mag-advise eh mapagkakatiwalaan na. Hindi porke pari eh hindi naglalandi. Dyan ka na matakot. Ayan ha, siguro naman magiging mas careful na kayo sa pagpili ng kaibigan. Umayos ka na at gamitin mo ang utak mo. Yun lang....heheh... Bow....
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 05:37:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015