Para sakin, hindi mo mapag aaralang mahalin yung tao eh. Kasi - TopicsExpress



          

Para sakin, hindi mo mapag aaralang mahalin yung tao eh. Kasi unang una palang niloloko mo na sarili mo. Pwede mong subukan pero sa huli may masasaktan at masasaktan. Paano pala kung pinag-aralan mo siyang mahalin. Edi syempre bibigyan mo siya ng atensyon. Paano na lang kung sa huli eh hindi mo talaga siya ramdam? Edi umasa siya. Nasaktan mo siya. Malamang.. Kaya mo nga pag-aaralan mahalin kasi mahal ka ng taong yun eh. At yun ang masakit sa isang taong nagmamahal. Ang maramdaman niyang minamahal mo siya dahil naawa ka na lang sa kanya. Kaya para sakin, the best thing na gawin is sabihin na lang agad na wala ng pag-asa para wala ng aasa pa. Wag na mag-isip ng magagandang salita para lang mapagaan ang loob niya. Kung ang aim mo lang naman is umiwas sa kanya. Just tell him/her na wala ka na talagang magagawa at you can’t provide the love na gusto niya. That’s life eh. May karapatan siyang magmahal. At may karapatan ka ring humindi sa gusto niya. Hindi naman nga kasi porket mahal tayo eh kailangan nating i entertain lahat. abi nga sa Perks Of being a Wallflower na yan na " We accept the Love We Think we Deserve." Hindi masama maging prangka. Hindi masama maging tapat. Kung sa ikakabuti naman ang patutunguhan eh. Huwag ka matakot mag dump ng tao kung ayaw mo talaga. Much better yun. Kesa entertain ka ng entertain. Sa huli wala rin pala.
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 02:44:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015