Part 2 ng Send my love to heaven :) Dumating ang Gabi ng Prom - TopicsExpress



          

Part 2 ng Send my love to heaven :) Dumating ang Gabi ng Prom Night. Bumili ako ng bagong tuxedo, halos ibuhos ko na ang lahat ng laman ng pabango. Tinungo ko ang kanilang bahay upang sunduin siya. Binati ako ng kanyang ina at pinaupo ako sa sala upang hintayin ang kanyang pagbaba. Kausap ko ang kanyang ama nang maringi ko siyang nagsabi nang, “How di I look?” Natingin ako sa itaas at doon ay nakita siya napakaganda sa suot niyang strapless na puting damit at ang kanyang buhok ay nakalugay at tila hinihipan ng hangin sa kanyang mukha. Napatayo ako at ibinuka ang aking bibig subalit walang katagang lumabas. Tapos kinuha ko ang kanyang mga kamay at nanginginig na inilagay ang corsage sa kanyang braso. “Para sa pinakamagandang babae sa buong mundo.” Tumugon siya nang “Totoo ba yan?” Tumango ako at napangiti siya, gumanti ako ng ngiti bago ko siya inalalayan patungo sa pinto. Nang dumating kami sa Gymnasium ay muntik ko nang hindi makilala ang aming mga kaklase. Wala na ang mga maong at T-shirts at napalitan na nang mga Tuxedo at Gowns. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabi nang, “will you give me the honor of your first dance? napatawa siya at napatango. Saka inalalayan ko siya patungo sa dance floor. Parang isang panaginip na nagkatotoo, parang fairy tales, parang magic, isang mahiwagang sandali. naroon ako kasayaw ang kaisa isang babaeng mahal ko, nakangiti siya sa akin habang dahan dahan kaming sumasabay sa himig ng malamyos na tugtog. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatitig sa kanyang maningning na mata. Ang kulot niyang mahabang buhok at tila alon na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng kanyang mukha. Maraming bagay na gusto kong sabihin sa kanya sa pagkakataong iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya ang pinakamagandang babae sa gabing iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya lamang ang tagapagdala ng liwanag sa aking kalungkutan at higit sa lahat, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Nilakasan ko ang aking loob at yumuko upang bumulong sa kanyang tainga ng biglang huminto ang musika at biglang naglaho ang Magic. Muntikan ko nang mabigkas subalit hindi ko pa rin nagawa. Muli ay inalalayan ko siya pabalik sa aming Mesa at natagpuan ang aming sarili na napapalibutan ng aming mga kaibigan. Tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom at tumango siya kaya umalis ako upang kumuha ng isa. Natagalan ako bago nakakuha at nang bumalik ako sa aming lamesa ay wala na siya. Tinanong ko ang kaibigan niyang si Katie kung nasaan siya subalit sinabi nitong hindi niya alam. Kaya nag-ikot ako upang hanapain siya. Hinanap ko siya hanggang sa marating ko ang harden. Doon ay nakita ko ang dalawang aninong naaaninagan ng liwanag ng bilog na buwan. Magkalapit sila sa isat isa. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang makilala ko ang puting damit na suot ni sam nang gabing iyon. Pumihit ako at nilisan ang Gymnasium nang may luha sa aking mga mata. Mula nang gabing iyon ay iniwasan ko siya. Maraming beses na pinilit niyang kausapin ako subalit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Ayokong marinig mula sa kanya na si Mark ang mahal niya at hindi ako. Mas gugustuhin ko pang hindi malaman kong ano ang kanyang tunay na nararamdaman kaysa sa marinig ang nakakasindak na mga salita at tuluyang maramdaman ang pagkawasak ng aking pag-asa at puso. Hindi ko sinasagot ang kanyang mga tawag, hindi ko siya kinakausap sa tuwing pupunta siya sa aming bahay, iniiwasan ko siya sa tuwing magkakasalubong kami ng daan. Masakit para sa akin ang gawin iyon subalit iyon ang makabubuting paraan para makalimutan ko siya at maibsan ang sakit na nararamdaman. Dumating ang araw ng aming pagtatapos. Pinaplano kung kumuha ng medisina sa maynila at kailangan kong umalis kinabukasan. Nang matapos ang programa ay lumapit siya sa akin at iniabot ang isang Rosas. Tinitigan niya ako at napansin kong may kakaiba sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag. Tila may kalungkutan sa loob nito at nang siya ay ngumiti at hindi iyon ang ngiting nakikita ko sa kanya noon. Gusto ko siyang yakapin na oras na iyon at sabihin sa kanyang mahal ko siya subalit tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Kaya naman kinabukasan ay lumuwas ako ng maynila tulad ng nasa plano. Maswerte akong agad namang natanggap sa unibersidad na napili ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral subalit naiisip ko pa rin siya sa gabi. Lagi kong tinatanong kong naiisip rin ba niya ako. Sinubukan kong kalimutan siya subalit hindi ko mapigilan ang sariling mahalin siya. Bawat bagay na aking nagawa ay para sa kanya. Iniisip kong kung ako’y magiging matagumpay ay magagawa ko nang magtapat sa kanya at sa pagkakataong iyon ay karapat dapat na ako para sa kanya. Isang taon pagkalipas nang aming Graduation nang magdesisyon akong umuwi upang makita siyang muli. Palagay ko ay sapat na ang isang taon para sa akin na hindi ko siya makita. Sa loob ng taong iyon ay para akong isang taong naliligaw sa Desyerto at tanging ang makita siya ang nakakapawi ng aking uhaw. Sumakay ako ng bus pauwi, desperadong makarating agad sa kanilang bahay upang makita siya, mayakap, tapos sasabihin kong nami-mis ko siya at minamahal ko siya noon pa. Sa pagkakataong ito ay disidido akong ipaalam sa kanya na mahal ko siya. Narating ko ang kanilang bahay at nakita ko ang kanyang nakakatandang kapatid. Nginitian ko siya at napansin kong malungkot ito. Naguluhan ako, alam kong masiyahan siya at palangiti katulad ng mahal kong si Sam. Tapos tinanong ko siya. “Hi Jen. Alam kong nagulat ka kung bakit ako nandito. Well, gusto ko lang bisitahin ka at umaasa akong makita si Sam.. Nami-mis ko na kasi siya…. Ahhhhh… nasaan ba siya?” tanging nakita ko sa kanyang mata ay kalungkutan bago siya nagsalita nang. “Halika, sumunod ka sa akin.” Nalilito ako sa inaasal niya subalit sumunod pa rin ako sa kanya. Sinubukan kong makipag-usap sa kanya subalit hindi siya umiimik. Napansin kong patungo kami sa direksyon ng lawa. Katulad pa rin ito ng dati, ang matandang puno na inaakyatan namin ni Sam. Ang nakatumbang puno ng Narra na inupuan namin noon nang halikan niya ako sa pisngi ng ayain niya ako sa Prom. Napangiti ako at lalo kong naramdaman ang pananabik sa kanya. Bigla tumigil si Jen sa ilalim ng puno at may itinuro bago bumulong ng. “Andon si Sam.” Tumingin ako kung saan siya nakaturo at napansin ko ang bagong hukay na libingan na nakasulat ang pangalan ng kaisa isang babaeng minahal ko. Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakita at pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na isa lamang iyong masamang biro, isang masamang panaginip at mamaya lang ay magigising din ako. Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa at napatingin ako kay Jenny, humihingi ng paliwanag. Huminga siya ng malalim at kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay sinabi nitong, “Ilang linggo pa lang ng mamatay siya. Namatay siya sa Leukemia, pero kahit na maysakit siya ay hindi siya tumigil sa pag-iisip sayo. Hiniling niyang ilibing siya sa lugar na ito dahil lagi niyang sinasabing ang lugar na ito ay lugar ng pagibig.” Tuluyang nang bumigay ang aking damdamin, nangingig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi, hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. “Sabi niya, dito niya ginugol ang pinakamasasayang araw niya at iyon ay noong kasama mo siya. Pinabibigay nga pala niya ito.” Iniabot niya sa akin ang isang sulat saby na tumalikod ito at lumayo. Dahan dahan kong binuksan ang sulat at nakita ko ang laman nitong tuyong Corsage na ibinigay ko sa kanya noon sa Prom. At sa ilalim ay napansin ko ang isang sulat. Nakapetsa iyon noong nakaraang buwan. Binuksan ko iyon at sa nanlalabo kong matang tigib ng luha ay binasa ang nakasulat. Alam ko na sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako. Gusto ko lang sabihin sayo na mapalad ako at lubos na nagpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay nya sa akin ang isang kaibigang tulad mo. Gusto ko din ipaalam sayo na merong naiwan dito sa puso ko, isang bagay na matagal kong itinago sayo sa loob ng matagal na panahon. Mahal kita Chris, hindi bilang kaibigan but as one who would feel like spending the rest of my life with. Minahal kita mula pa sa simula. Alam mo bang lalo itong lumalago sa bawat araw at oras na magkasama tayo. Ang pinakamasayang sandali ay sa tuwing magkasama tayo. Hindi mo lang alam kung paano kita mapanaginipan tuwing gabi at magising sa umagang ang hangad ay laging nasa tabi kita. Pag nasa malayo ka, hindi ko mapigilan ang umiyak dahil natatakot akong baka may kasama kang iba. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba. Gusto ko akin ka lang sa buong buhay ko. I may sound selfish but thats how I feel. Sa tuwing akoy iyong yayakapin ay parang isang katuparan ng panaginip na mapalapit sayo at madama ang tibok ng iyong puso kasabay ng pagtibok ng akin. Marami akong ginawa upang matutunan mo din akong mahalin pero hindi ko sayo pinahalata. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka dahil mahal na mahal kita na pilit ko ding pinaniwala ang sarili kong mahal mo din ako. Maraming gabing ako’y umiiyak sa tuwing maiisip kong hindi mo ako kayang mahalin. Palagay ko’y iisipin mong ang lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan, pero nais kung sabihing ang puso ko ay nagsasabi ng totoo dahil hindi ko kayang magsabi ng kasinungalingan sa isang taong lubos kong minamahal. Alam kong iniisip mo si Mark, pero ginawa ko lang iyon para pagselosin ka, para Makita mo ako bilang isang dalaga na kayang magmahal hindi bilang isang batang babae na kalaro mo. Minsan iniimadyin kong nagseselos ka at pinapaniwala ko ang aking sarili na isa iyong senyales na merong ka ring nararamdaman sa akin. Noong maghiwalay kami ni Mark at nagpunta ako sa iyong umiiyak, ginawa ko iyon upang malaman ko kung ano ang iyong magiging reaksyon dahil gusto kung malaman kong mahal mo din ako. Pero nabigo ako dahil hindi ka manlang nagpakita ng anumang senyales. Nang dumating ang ating prom Night, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang ibigay mo sa akin ang corsage at sabihing ako na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Nuong tayo ay sumasayaw ay gustong gusto ko nang marinig sayo ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig mula sayo. Ang sabihin mong Mahal mo din ako, pero hindi mo ginawa. Nang lapitan ako ni Mark at magmakaawang bigyang ko pa siya ng isa pang pagkakataon ay natakot akong Makita mo kami. Hindi ko gustong na magisip ka ng maling empresyon sa akin kaya sinabi kong sa Garden na lang kami mag-usap. Duon ay pinagtapat ko sa kanyang ikaw ang mahal ko. Hinanap kita pagkatapos pero hindi kita matagpuan, nalaman ko na lang na hinahanap mo din pala ako at palagay ko ay nakita mo kaming nag-uusap. Nang mga sumunod na araw ay gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong gawin iyon. Patuloy mo akong iniwasan at hindi mo lang alam ang sakit na naranasan ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko’y gumuho ang mundo ko. Sa ating Graduation day, nuong lapitan kita gustong gusto kong ipagtapat sayo kung gaano kita kamahal pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig mula sa iyo na sabihin na ang tanging nararamdaman mo ay pagmamahal ng isang kapatid. Dahil gusto kung mahalin mo ako bilang isang Babae at hindi isang dalaga o kalaro. Kaya akoy tumalikod at lumayo. Now that saying I LOVE YOU might be too late, still I want you to know that I will always love you and my heart has always been and will be yours alone. P.S. Think of me sometimes.... and always remember that loving you was the best thing that ever happened in my life. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga Mata habang tinutupi ang sulat. Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya kung gaano ko din siya kamahal, higit pa sa pagmamahal niya sa akin. Mahal na mahal ko siya higit pa sa kung ano pa mang bagay sa Mundo. Tila nauupos na kandilang napaluhod ako sa lupa. Humagulgol na hinawakan ang lupang nakatabon sa puntod ng babaeng aking pinakamamahal. Tila naman nakisama ang panahon sa aking pagdadalamhati at pumatak ang ulan. Patuloy ako sa mahinang paghagugul. Itiningala ko ang aking mukha sa langit habang ang mga luha ay sumasabay sa agos ng ulan sa aking mukha, ipinikit ko ang aking mata sabay usal ng.. Oh God, send my love to heaven. :)
Posted on: Sat, 02 Nov 2013 17:42:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015