Patunayan mo na wala kang Kasalanan. Ang Hirap ng mag tiwala sa - TopicsExpress



          

Patunayan mo na wala kang Kasalanan. Ang Hirap ng mag tiwala sa mga Politiko! International anti-graft group, tinawagan si Angara sa ‘pork’ scam Sinita ng international anti-corruption group ang isang dating miyembro ng Senado dahil sa pagkakadawit nito sa pork barrel fund scam. Tinawagan ng isang opisyal ng Global Conference of Parliamentarians Against Corruption (GOPAC) si ex-Sen. Edgardo Angara bunsod ng lumabas na special audit report ng Commission on Audit (COA) kung saan isa siya sa nadawit sa iregular na paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Base sa isinagawang audit ng PDAF noong 2007 hanggang 2009, isa umano si Angara sa anim na mambabatas na nagbuhos ng PDAF sa foundation o non-government organizations (NGOs) kung saan sila konektado. Naglagak si Angara ng P14.4 milyon mula sa kanyang PDAF sa Kalusugan ng Bata, Karunungan ng Bayan Inc. kung saan siya tumatayong incorporator. Nitong Enero 2013 ay nahalal si Angara bilang chairman ng GOPAC, isang international network na nakatutok ang atensyon sa good governance at paglaban ng corruption sa buong mundo. Mayroon umano itong 700 miyembro mula sa 45 bansa. Sa paliwanag ni Angara sa opisyal ng GOPAC na tumawag sa kanya, pinaliwanag nitong huwag agad siyang husgahan dahil kinakailangan pa umanong i-validate ang audit report ng COA. “Ang sinabi ko nga sa kanila ‘please don’t rush to judgment, don’t jump to conclusion’, sapagkat alam naman ninyo under international auditing protocol, ‘yung finding ng government audit is subject to validation, naintindihan nila iyon e,” paliwanag ni Angara sa isang programa ng himpilang dzBB. (Boyet Jadulco)
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 22:40:24 +0000

Trending Topics




© 2015