Pinaabatik 2nd hour July 25,2013 Maganda ang turnout ng mga - TopicsExpress



          

Pinaabatik 2nd hour July 25,2013 Maganda ang turnout ng mga nagpaparehistro para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez, positibo ang ipinakikitang interes ngayon ng publiko sa nakalipas na dalawang araw ng registration period kumpara sa mga nakaraang halalang pambarangay. Dati aniya ay halos walang pumapansin sa unang araw ng pagpapatala, habang dumarami lamang ang mga ito sa mismong deadline ng registration period. Nagsimula ang pagtanggap ng poll body ng registration noong Hulyo 22 at magtatapos sa Hulyo 31, 2013. Tinatayang aabot sa 700,000 pitong daang libo ang magpaparehistro para sa barangay polls, habang 2,000,000 milyong kabataan naman para sa SK.
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 20:38:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015