Pinay gang rape sa Qatar: Barbaric act! (Aries Cano) via Abante - TopicsExpress



          

Pinay gang rape sa Qatar: Barbaric act! (Aries Cano) via Abante News Tinawag na inhumane act at kinondena ng iba’t ibang Filipino group sa Qatar ang gang rape sa isang 32-anyos na Filipina housemaid. Limang Asian expatriates ang inakusahang nanghalay sa Pinay. Ang limang suspek ay pawang Indian natio­nals umano at naaresto sa joint entrapment operation ng Qatar Criminal Investigation Department at Interpol. Nangyari ang krimen noong Agosto 10. “The criminals res­ponsible for this should be prosecuted to the full extent of the law,” paghahayag ng Foundation for Family and Life (FFL) Migrant-workers sa local media sa Qatar. Naghihimutok din ang iba pang grupo gaya ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) at Philippine Institute of Certified Public Accountants Qatar (PICPA) sa nangyaring krimen. “We are expressing our outrage over the incident and are deeply dishear­tened for what had happened to our kababayan,” pahayag ni PICE President Arnel Punsalan. Kaakibat nito, nanga­ko ang mga Pinoy community leader na magpapaskil sa mga social media para magkaroon ng awareness ang mga miyembro ng komunidad ng mga Pinoy. Kinumpirma naman ni Philippine Ambassador Crescente Relacion ang pagkakadakip ng Qatari authorities sa limang suspek. Nangako ang opisyal na bibigyan ng lahat ng tulong ang biktima. Tinukoy rin ni Relacion na nagpanggap na mga CID ang mga suspek nang pasukin ang akomodasyon ng biktima. Bunsod nito, pinapayuhan ang embahador ang mga kababayan na alamin munang mabuti ang pagkakakilanlan ng mga estranghero bago papasukin sa kanilang akomodasyon. ___
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 05:20:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015