Pinay halos gulay sa gulpi ng Kuwaiti police (Aries Cano)FRIDAY, - TopicsExpress



          

Pinay halos gulay sa gulpi ng Kuwaiti police (Aries Cano)FRIDAY, JULY 12, 2013 Halos magsara ang magkabilang mata ng isang Pinay na fitness instructor sa Municipality Health Department ng Kuwait, sa brutal na panggugulpi ng isang Kuwaiti police officer. Sa ulat, nangyari ang insidente nitong Hulyo 7, ngayong taon. Isinugod sa Amiri Hospital ang Pinay na itinago sa pangalang Jaymee. Nagtamo ang kababa­yan ng mga pinsala sa ulo, mukha, katawan, tuhod at mga kamay. Isinailalim din sa ope­rasyon si Jaymee sa Farwaniya Orthopedic Hospital nitong Lunes, Hulyo 8. Naiparating na sa Assistance to Nationals Unit (ATNU) ng Philippine Embassy sa Faiha ang insidente. Naganap umano ang bugbugan blues sa Municipality premises sa Sharq, Kuwait matapos magtungo si Jaymee kasama ang dalawan­g kasamahang Romanian at Pinay para ayusin ang kani-kanilang municipality card. Dito ay nakasagutan umano niya ang isang Egyptian national bunsod sa hindi pagkakaunawaan at umano’y binatos pa siya subalit nagsumbong ito sa pulis dahil sa nilikha umano nitong problema. “While I was narra­ting my side of the story, the police became even more furious. He said I was disrespecting him, and told me to go into a room nearby. When I was about to enter the room, the police grabbed my bag and told me I don’t have respect. I said I know how to respect but I told him he wasn’t respecting me. He released his grip on my bag but grabbed my arm forcefully, pulled my hair and dragged me down the stairs. The next thing I knew I was already groggy, and did not know what was going on. I felt nothing but unbearable pain on my face and body,” dagdag pa ng Pinay. Narinig naman ng mga kasama ni Jaymee ang komosyon pero hindi inakala ng mga ito na ang Pinay na pala ang binubugbog. Nabatid na si Jaymee ay may-asawa at tatlong anak. Gusto ng Pinay na makamit ang tunay na hustisya sa kanyang sinapit. abante.ph/issue/jul1213/abroad01.htm#.Ud_DH0Gl5Ac 2kmol
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 08:52:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015