#PrayForThePhilippines - TopicsExpress



          

#PrayForThePhilippines #PrayForThePhilippines #PrayForThePhilippines #PrayForThePhilippines La Mesa Dam sa QC, umapaw na By dzmm.ph | 12:07 PM 08/20/2013 Umapaw na ang La Mesa Dam sa Quezon City. Alas-11:35 Martes ng umaga nang umabot sa spilling level na 80.15 meters ang tubig sa dam. "La Mesa Dam has reached its spilling level of 80.15m as of 11:35AM. Please take extra caution", tweet ni Jeric Sevilla ng corporate communications ng Manila Water Company na siyang nagmamantine ng La Mesa Dam. Sa pag-apaw ng dam, dadaloy ang tubig nito sa Tullahan River na inaasahang magpapabaha sa Barangay Greater Fairview, North Fairview, kasama na rin ang Novaliches, Gulod, San Bartolome, Santa Monica at Sta. Lucia sa QC. Aabot din ito sa Caloocan, Valenzuela, Malabon at ilan pang lugar na dinaraanan ng Tullahan River. Naabisuhan na ang mga lokal na opisyal para sa evacuation ng mga residente sa gilid ng ilog. Ilang pamilya namang nasa gilid ng Tullahan River partikular sa Barangay 160 sa Caloocan City ang kusa nang lumikas. With a report from Johnson Manabat, Radyo Patrol 46 [That Man]
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 04:16:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015