Protips November Protips - November 8, 2013 Coping with - TopicsExpress



          

Protips November Protips - November 8, 2013 Coping with Crisis By Maloi Malibiran-Salumbides What is the greatest crisis that you have encountered in your life and in your career? Is it a crisis in relationship? Crisis ba yan sa finances? Crisis sa paggawa ng desisyon? Baka nahahati ang puso mo kung ikaw ay mananatili o magre-resign at lilipat sa ibang kumpanya? Meron ka bang financial crisis ngayon? Ano nga ba ang krisis na iyong kinahaharap? Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo para sa inspirado at productive na pagtatrabaho. Kapag isinulat daw ang salitang KRISIS using Chinese characters, may dalawang strokes na kakailanganin. The first stroke would stand for danger and the other stroke would stand for opportunity. At ganyan ang nangyayari kapag tayo ay humaharap sa krisis. Gaya ngayon, nariyan ang banta ng krisis dahil sa super typhoon Yolanda. Mayroong panganib, ngunit mayroon ding opportuinity upang maghanda, upang mag-ingat at upang magtulungan. How should we respond to a crisis? C-ause of Crisis. Know the cause of crisis. Kinakailangan alam natin kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema sa opisina, sa ating bahay, sa ating buhay. Knowing the cause of the problem will help us find appropriate solutions. Tinanong ako ng aking bunsong anak kung bakit hinahayaan ng Diyos ng magkaroon ng super typhoon. Ang sabi ko sa kanya, maaaring may ibat-ibang dahilan. Pwedeng gamitin ng Diyos ang bagyo para tumawag at makinig tayo sa Kanya. Pwede rin namang sa pamamagitan ng crisis ay mapaalalahanan tayo tungkol sa mga bagay na nakakaligtaan nating gawin. Know the cause of the crisis. R-eturn to God. If sin is the problem of the crisis that we are facing right now then the next thing to do is to return to God and repent. God always welcomes a person who truly turns away from his or her sinful ways. Ang problema bang pinagdaraanan mo ngayon ay dahil na rin sa paglayo mo sa Diyos. Return to Him and allow Him to turn your mess into a message of mercy and love. I-nitiate changes in your ways. Halimbawa, kung mayroon kang health crisis dapat ay baguhin natin ang ating sistema ng pagkain at pangangalaga sa ating katawan. A crisis should initiate changes kung mayroong mga kinakailangang baguhin. S-urrender our worries to God. Walang magagawa ang pag-aalala kung hindi patataasin lamang niyan ang ating blood pressure, ang ating stress level. Yung mga stressor natin mako-convert lang iyan into bad cholesterol. Kaya pati kalusugan mo apektado. Learn to surrender your worries to God. I-nvite your close circle of friends or loved ones to trust God with you. Kapag may kasama tayo na nagtitiwala rin kay God, mas mapapaalalahan tayo na mayroon tayong pag-asa at may hangganan ang problema. S-et your eyes on Jesus. Set your eyes on God. Kahit napakalaki ng krisis, wala namang mas lalaki pa sa Diyos. And that’s the principle that we should always remember and keep in our hearts. Paano natin dapat harapin ang mga krisis na ating nararanasan ngayon? Use the tips that I’ve shared with you to confidently and courageously cope with the different crisis that will come your way. Maaaring maging pagpapala ang krisis kung bukas ang ating puso at isip na matututo at lumago buhat dito. BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY! — with Maloi Salumbides and 2 others.
Posted on: Sun, 10 Nov 2013 23:47:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015