Puso Mo Ang Kailangan Ko by Rona TEASER “I can move heaven - TopicsExpress



          

Puso Mo Ang Kailangan Ko by Rona TEASER “I can move heaven and earth just to prove my love for you. And if it is not enough, I will make the sun rise in the west…” Si Kenth. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Gwapo…simpatiko…edukado. Ngunit walang hilig magtrabaho. Ang gusto lamang gawin ay eenjoy ang buhay binata. Si Liway. Lumaki sa kahirapan, na kahit grade one ay hindi man lang nakatungtong, kaya lumaking no read, no write. Ngunit sa kabila ng kamangmangan ay napakamadiskarte sa buhay. Wala ng ginawa mula pagkabata kundi ang magbanat ng buto para makatulong sa pamilya. Hate na hate niya sa mga lalaki ay iyong hindi marunong magtrabaho at nakadepende lang sa pera ng mga magulang. Kaya naipangako niya sa sarili na kung mag-aasawa man siya ay sisiguraduhin niyang masipag at responsible ang lalaking pipiliin, hindi bale nang hindi mayaman. Ngunit paano kung magtagpo ang landas nila ni Kenth? At di sinasadyang mahulog ang loob nito sa kanya? Magkaroon kaya ng pag-asa ang herederong binata sa pihikang puso ng dalaga? Kaya ba niyang talikuran ang pagiging happy-go-lucky bachelor para lang kay Liway? Papaano niya mapapatunayan sa dalaga ang kanyang pag-ibig kung langit at lupa ang nakapagitan sa kanila? SNEAK PEEK “How much is your galunggong?” narinig niyang tanong ng isang maarteng boses. Inaayos niya kasi ang kanyang mga ice chest sa ilalim ng mesa. Napatingala siya para sagutin ang nagtatanong. “Otsenta po ma’m,” sagot niya dito at tuluyan ng tumayo para eentertain ito. “Is this sariwa pa?” tanong ulit nito. Mukha itong clown sa kapal ng make-up nito. “Opo ma’m, sariwang-sariwa po ang mga iyan,” saad naman niya. Pinipigil niyang matawa sa itsura nito. “What’s that masangsang na amoy? is that the smell of the isda?”sabi nito at nagtakip pa ng ilong. “Aba’ ma’m kahit amuyin niyo pa lahat ng isda ko’y wala kayong maamoy na mabaho, at saka wala na man akong naamoy ah!” sagot ng dalaga. “No, there is a mabaho…” pagpipilit pa rin nito. “Wala po talaga akong naamoy ma’m, kayo po may naamoy po ba kayo?” baling ni Liway sa bagong customer niya. “Wala na man akong naamoy na mabaho,” sagot ng tinanong. “You see ma’m, der is no mabaho,” panggagaya niya sa ingles nito. Nagsisimula na siyang mainis. “Anong ibig niyong sabihin? That I am a sinungaling? Palibhasa kasi pareho kayong mababaho dito, kaya you cannot identify what is mabaho and hindi.” Pagtataray nito. Doon na napatid ang pagtitimpi ni Liway sa babae. “Aba’t sumusobra na itong babaeng ito ah! Hoy, miss clown na sobrang kapal ang make up! baka nakakalimutan mo na dat da nibor op yur nose is yur big mawt!” Tawanan ang mga tao sa paligid, napapaligiran na kasi sila ng mga kapwa niya mga tindera ng isda at mga mamimili. “What did you say?” tanong ng maarteng babae. Sumigaw ang isang tindero. “Ang sabi niya ay magkapitbahay lang daw ang ilong mo at saka ang bunganga mo?” tawanan ulit ang mga tao. “I know! Bakit ang sa inyo, magkalayo ba?” Hindi pa rin nito nakukuha ang ibig nilang sabihin. “Ay tanga! Baka iyang bibig mo ang naamoy mo Miss.” saad ng isang tindera. Tawanan ulit. Halatang napahiya ang babae. “What do you think of me? Bad breath? At saka FYI I’m not poor! I can afford to buy a lot of mouthwash, pati nga kayo eh, kayang kong bilhin! Pero, bakit ko naman kayo bibilhin eh ang babaho niyo lahat.” Pang-iinsulto pa rin nito. “Dahan-dahan ka sa iyong pananalita Miss Tapia. Eh, ano naman ngayon kung mababaho kami, at least nagtatrabaho kami ng marangal. Wala kaming inaagrabiyadong tao. Wala kaming tinatapakan at lalong lalo nang wala kaming damdamin na sinasaktan. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin.” Hindi na maitago ang galit sa mukha ni Liway. Hindi siya makakapayag na porke’t ganito ang tarabaho nila ay hahamakin na sila. “Anong nangyayari dito???” Tanong ng isang baritonong tinig mula sa likuran ng mga taong nakapalibot kina Liway. Napalingon ang lahat sa pinanggagalingan ng boses. “Anong nagyayari dito?” tanong ulit nito. Tulalang napatitig si Liway sa lalaki. Pero dagli din siya nakarecover mula sa pagkatulala ng makita niyang agad lumapit sa lalaki ang babaeng maarte at nangunyapit kaagad sa mga braso nito pagkakita rito. “Honey, this woman over here is making me banta-banta.” Tila batang sumbong ng babae sa lalaking kadarating lang. “At bakit mo naman pinagbantaan itong kasama ko Miss? Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga customer?” “Hoy, kung sino ka mang bigla na lang susulpot dito na parang kabute, mano bang alamin mo muna kung ano ang dahilan ng gulong ito? Hindi iyong puputak ka na lang diyan na parang inahing manok. Bakit hindi mo tanungin iyang girlfriend mong mukhang clown kung ano ang dahilan ng gulong ito?”nakapameywang na sagot ni Liway. “Hindi eskandalosa ang kasama ko?” pagtatanggol pa ng bagong dating sa babae. “At ano ang gusto mong palabasin? Na ako talaga ang nagsimula ng gulo? At saka, para sa iyong kaalaman, marunong akong magdala ng mga customer ko. Alam ko kung paano sila asikasuhin at alam ko rin kong paano papatulan ang mga taong kagaya niyo! Aba huwag niyo akong susubukan at talagang hindi ko kayo uurungan!” saad ni Liway habang iwinawagayway ang kutsilyong panghiwa sa isda. “Umalis na lang tayo dito honey, were just wasting our precious time here, lets eat na lang sa restaurant. There I’m so sure that it is not mabaho, not like here, hmmp!” wika ng maarteng babae nang makitang nangingintab pa ang hawak-hawak ni Liway. “Mabuti pa ngang lumayas na kayo bago pa man magdilim ang paningin ko’t kung ano pa ang magawa ko sa inyo.” Pagtataboy din ni Liway sa kanila. “Hindi! hindi tayo aalis hanggat hindi humihingi ng paumanhin ang babaeng ito.” Matigas na saad ng lalaki. Alam niyang masisindak niya ang babaeng kaharap sa klase ng tono na ginamit niya. Samahan pa ng tindig at porma niyang aristokratong-aristokrato ang dating. Walang sinuman ang hindi matatakot at yuyuko sa kanya. “Aba’t! ako pa ngayon ang dapat humingi ng sorry?Ang kapal naman ng mga mukha niya! Mas makapal pa sa taba ng baboy! Pwes! Manigas kayong dalawa diyan dahil wala kayong maririnig mula sa akin! Kay ang mabuti pa ay umalis na kayo.” Hindi makapaniwala ang binata sa narinig. Sa buong buhay niya wala pang taong nagsalita sa kanya ng ganun. Walang may gustong mangahas. Palakpakan ang mga usyusera’t usyerong na animo’y nanonood ng shooting. Ang iba’y pumipito pa. aliw na aliw sila sa kanilang nasasaksihan. “O ano pang tinutunganga niyo diyan? Umalis na kayo sa harapan ko at ayokong malasin itong paninda ko.! Huwag na huwag na kayong babalik ha! Akala mo kung sinong kayong mga mayayaman, hindi porke’t nakahiga kayo sa salapi niyo ay pwede niyo na kaming tapakan! Huh! Magkakasubukan tayo diyan!” nanggagalaiting saad niya. “May araw ka rin sa akin babae ka! Tandaan mo ang mukhang ito…”sabay tanggal ng suot na branded na shade. “ Sisiguruhin kong kakainin mo lahat ng mga pinagsasabi mong iyan.” Hindi mapigilang nasabi ng binata. Hindi niya matanggap na may isang tao na hindi sumunod sa gusto niya. At isang babae pa! “Huwag mo akong takutin, hindi ako natatakot sa iyo…at bakit ko naman kakainin ang mga sinasabi ko? Pagkain na ba ngayon ang mga salita? Kung pagkain pa ito baka pwede pa, e hindi e! kaya asa ka pa, na mangyayari ang mga banta mo!” pamimilosopa at pang-iinis ni Liway sa mga kaharap. “Honey, let’s go, bayaan na lang natin ang babaeng iyan.” Sabad ng maarteng babae na kanina pa inurungan ng dila ng makitang hindi padadaig si Liway sa kanila. At hinila na nito ang binata palayo... Become a VIP member and read the whole story here -> tagalogromanceetc/puso-mo-ang-kailangan-ko-by-rona-complete/
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 21:07:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015