REMATE : New headlines DAHIL sa patuloy na pambababae ng - TopicsExpress



          

REMATE : New headlines DAHIL sa patuloy na pambababae ng 51-anyos na negosyanteng mister, sinentensyahan siya mismo ng kanyang misis matapos putulin ang kanyang ari habang mahimbing na natutulog sa loob ng pinasukan nilang hotel kagabi sa Pasay City. Mag-isang sumugod upang magpagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Rodolfo Del Rosario, negosyante ng 1259 Bambang St., Tondo, Manila. Kinilala naman ang suspek na si Radina Del Rosario, 34, mabilis na nakasakay ng taksi paalis sa lugar. Lumabas sa pagsisiyasat nina SPO1 Genomar Geraldino at PO3 Rodolfo Suquina ng Investigation Division ng Pasay police, nag-check in sa Galaxy Hotel sa 2245 Taft Avenue ang mag-asawa alas-11:50 ng gabi noong araw ng Linggo at inokupa ang room no. 3. Alas-12:20 ng madaling-araw nang makita ng room boy na si Nestor Daganato, 43, ang ginang na nagmamadaling lumabas ng silid at ilang sandali lang ay kasunod na ang biktima na humihingi ng tulong na madala siya sa pagamutan. Napag-alaman na bago ang pamumutol, madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa pambababae ng biktima. Kaya kagabi habang lasing ang lalaki ay isinagawa ng misis ang pamumutol sa ari ng mister. Ayon naman sa mga manggagamot sa naturang ospital, hindi na maaari pang maibalik sa dati ang ari ng biktima dahil nawawala na ang kaputol nito at halos kakaunti na lamang ang natira. Nang bumalik naman ang mga imbestigador sa inokupahang silid ng mag-asawa, malinis na ito at may iba nang kustomer na umookupa. NATAWA NAMAN AKO SA BALITANG ITO.YAN MAY NAPAPALA ANG MGA BABAERO? Shacky
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 22:10:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015