Repost lang po namin isang inspirasyon na atin kababayan na OFW - TopicsExpress



          

Repost lang po namin isang inspirasyon na atin kababayan na OFW :) Ang isang work ko dito sa taiwan ay ipasyal ang cute puppy na alaga ng mga boss ko para umihi at dumumi sa labas, so naglalakad kmi hanggang mini park,gawain ko yan mula pa nong dumating ako dito hanggang ngaun. Lalabas kmi, dumi at ihi sya tapos uwi agad. Araw-araw ganyan. Pero this day, June 20,2013 may kakaibang nangyari. Habang naglalakad kmi, malapit na sa may park, may red envelope na nakatupi sa bandang medyo gilid ng daan, yun ang tinatawag nilang hongpao or ampao "lucky money" binibigay yan as gift pag may wedding, birthdays, special holidays and most especially new year. Pinulot ko. At nagulat ako, sobrang gulat ko na medyo ninerbyos pa kasi may tig-iisang libo sa loob. Nagpalingon-lingon pa ako pero wlang taong dumadaan, mangilan-ilan lang na sasakyan... Pinicture ko agad at send ko agad kay bf pero tulog na yun ng ganitong oras kasi night shift sya sa work nya. Ibinulsa ko ang red envelope at sbe ko sa sarili ko... "Lord ito na po ba ang sagot mo sa mga dasal ko?" Kelangan ko kasi ng medyo malaking halaga dahil gusto ko ipa-doctor nanay ko sa mamahaling ospital para masigurado kong mabigyan na ng lunas ang skin allergy nya. Matagal na kasi yun. Pag-uwi ko nga, yun una kong aasikasuhin. Itinuloy nmin ni puppy maglakad. Nong paliko kami sa may kanto , kasi yun ung way ng park, may isang ginang (mejo matanda na) more or less than 60 anyos, parang may hinahanap sya, mukhang puno ng pag-aalala ang mukha nya. Nong makalapit kmi ni puppy sa knya, tinignan nya lang ako at itinuloy ulit ang kanyang paghahanap, kapa pa sya ng kapa sa bulsa nya, winawagwag nya pantalon nya. Tinanong ko sya in chinese language: "Ayi ano po hinahanap nyo?" Prang alanganin pa sumagot. Sabi nya, "Ni feylipin ren ma?" Tanong nya kung pinay daw ba ako, Sabi ko: "Twey a " Meaning "Tama po" Ang tagal bago sya nagsalita ulit, May aftershock pa rin yata talaga mga taiwanese sa pagkaka-patay ng pinoy coast guard sa kalahi nila.Masama pa rn tingin sa mga pnoy. after a few minutes sabi nya, "Wo da hongpao puchen, limien yo liang wan" Meaning nawala daw red envelope nya. Sa loob meron daw 20 thousand taiwan dollar. Bingo! Sya nga may-ari ng napulot ko!At 20k pa pala ang laman! Kung hindi ko ilalabas yung nasa bulsa ko, di na nya malalaman na nasa akin yun, pwede ko na ipa-check up nanay ko with that money, or kasya na yan pambili ng mamahaling cellphone or pinapangarap kong DSLR camera... Pero pinili kong isoli sa knya yung pera nya. SAbi ko.. "Ayi, tsi ke nida hongpao ma?" (itong red envelope sau po ba?) Naku biglang lumaki ang singkit nyang mata at kinabakasan yun ng tuwa at excitement. Bigla nyang kinuha sabay sabi: "Twey! Tsi ke wo da" Meme ni hen kwai, xie xie ni!!! (Tama, akin yan! Bunso, ang bait mo! Maraming salamat!) Bigla nya akong hinawakan sa kamay sa sobrang pasasalamat, Naglabas pa sya isang libo pero sbe ko, wag na po, ok lang po yun... Tapos sbe nya pa, bigay daw sa knya yun ng anak nya dahil birthday nya nong nakaraang araw. Sinisenyas pa nya na nilagay daw nya sa bulsa nya pero nawala. After that, nagpaalam na sya at umalis.. Dumiretso na din kmi ni puppy maglakad-lakad. Umalis sya na masaya ang kanyang mukha at ako umuwi din na masaya ang aking puso. Kung gano sya kasaya, doble pa ang naramdaman ko... Kasi isa syang Ina, parang nakikita ko sa knya ang nanay ko. Ang nanay ko, binibigyan ko din yun ng pera kada buwan... Pinaghihirapan ko, pinag-trabahuan ko. At ung ginang na yun, pinagtrabahuan din ng anak nya yung pera na binigay sa knya. Madali lang po gumawa ng kwento. pero itinataya ko ang buong pamilya ko pati na rin ang tatay at lola ko na namatay na sa katotohanan ng aking sinasabi. Hindi ko po kinuwento to sa inyo para magpasikat at magyabang... Share ko lang po ang na-experience ko kanina para maging inspirasyon sa kapwa ko OFW lalo na dito sa taiwan. Dahil noon sa issue ng pinoy coast guard at taiwanese fisherman, hanggang ngayon, hindi pa rin ayos formally ang dalawang bansa at hanggang ngaun pag narinig na pinoy ka, yung ibang mga taiwanese, iba pa rin ang timpla nila. Pero wag po tayo magpaapekto dun, basta maging mabait pa rin tau sa kanila dahil ang mga pinoy tinagurian yan na: FIRST CLASS QUALITY WORKER IBA MAGTRABAHO ANG PINOY IBA ANG SERBISYONG PINOY! Sila ang mga lahi na nagta-trabaho kasama ang kanilang mga puso. Nasaan man po tayo sa mundo, gawin po natin ang tama. Huwag nating pag-interesan ang pinaghirapan ng iba baka bad karma ang balik nyan sa atin. Huwag tayong pumayag na ganyang amount lang ang reward ng ating pagkatao. Maliit lang ang bente mil. Depende na lang kung yan lang ang worth mo. Pero para saken, kahit ilang hundred thousand pa yan, dapat isoli pa rin dahil pag ginawa mo yun, mapapalitan pa yan ng milyon! Sino magbibigay non? Wala pong iba kundi si Papa Jesus na nakasaksi ng lahat. HINDI MAN PO NATIN KAYANG MAGPAKA- THE BEST, AT LEAST KAYA NMAN NATING MAGPAKA-BUTI... https://facebook/lynne.rho
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 21:24:58 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015