SAGOT SA MGA PALUSOT NI JTV TUNGKOL SA OMECO-IPC - TopicsExpress



          

SAGOT SA MGA PALUSOT NI JTV TUNGKOL SA OMECO-IPC CONTRACT PROPAGANDA NO. 1: May utang ang OMECO sa fuel (o gatong) na ginamit ng IPC sa pag generate ng power, kaya hindi na maka-pagbigay ng kuryente ang IPC. SAGOT: Walang katotohanan na may utang ang OMECO sa IPC para sa diesel fuel dahil sa mga sumusunod: • Ayon sa ECA (contrata), OMECO ang mag-bibigay ng fuel sa IPC para gawing kuryente at may “Formula” na naka-saad sa Article 9 ng ECA sa pag-compute ng “Energy Fees” na ibabayad sa IPC. • Meron din “bench mark” o hangganan na naka-saad sa Article 9 ng ECA na ang “total per KWHR cost” (i.e. Energy Fees plus cost of fuel per KWHR) ay hindi dapat mas mataas sa NAPOCOR rate na sinisingil sa buong isla ng Mindoro, LESS P0.04. • Noong Feb 28, 1996 nagkaroon ng Amendatory Agreement to the ECA na nilagdaan sa Makati, Metro Manila. OMECO ay represented ni Pres. Ernesto C. Esteves, IPC ay represented ng Pres nila na Francisco T. Delgado. Ang mga amendments o pagbabago sa ECA ay: Sec 2.8 Art 2 – IPC to procure fuel for OMECO Par 4.1 is of the 7th Schedule is repealed and replaced with the following: 4.1 Energy Fee. Energy Fee shall be computed on the basis of the following formula: Energy Fee- (NPC Rate to the Island Grid – P.O. 04) x electricity (in Kwh) delivered) • Kaya malinaw na ang ginamit na paraan ng pagkwenta ay ang BENCHMARK. Kasama na ang cost of fuel sa lahat ng billing ng IPC at ito ay binayaran lahat ng OMECO. Inamin din ito ng Area-Plant Manager ng IPC si Jonathan M. de Mesa sa kanyang sulat sa OMECO dated October 21, 1997 noong isinulat niya na – “At present, OMECO is getting the 2% discount on the total amount of the power bill. The monthly power bill, however, includes the fuel cost.” • Ayon sa opisyales ng OMECO walang dokumento na nagpapatibay na may utang ang OMECO sa IPC. Walang karagdagang billing, demand letter o anumang pirmadong kasulatan ng kahit sinong opisyal ng IPC na naniningil at nagbabanggit ng halaga na dapat bayaran ng OMECO para sa fuel na supplied ng IPC. Walang natatanggap ang OMECO na ganoong dokumento ng kautangan simula nang napirmahan ang ECA noong Dec 10, 1993 hanggang ngayon. • Hindi makatarungan kung lalong tataas ang babayaran ng OMECO at consumers nito ng 54% (base sa tariff sa NPC-IPC PPA dated June 2000) para sa “fuel cost” na pilit sinisingil ni JTV. Magkakadoble na ang bayad ng consumers sa fuel dahil sa bench mark, kasama na ang fuel cost. Sagot ni GM Dantis ng OMECO - “hindi naman sobra ang yaman ng OMECO” para pumayag ito sa mas mataas na rate o presyo na kalalabasan pag idadagdag pa sa Energy Fees na ibabayad sa IPC ang madodoble na cost of fuel na supplied nito. Malinaw kasi, na naka saad sa ECA na ang total per KWHR cost (i.e., Energy Fees plus cost of fuel per KWHR) should at least be P0.04 lower than what the NAPOCOR charges to the island grid. Hindi rin papayag ang ERC na i-pasa sa consumers ang maling pag-singil ng Villarosa/IPC, lalo na kung makakakuha naman ng kuryente sa mas murang presyo noon sa NAPOCOR. Hindi pa nga na-aprubahan ng ERC ang ECA ng IPC noon. Mas lalo na ngayon na hindi papayag ang ERC dahil sa patong-patong na singil sa fuel na gusto ng IPC. • Hindi kapanipaniwala ang “utang” ng OMECO sa “cost of fuel” na inumpisahan lamang banggitin ni JTV noong January 16, 2010 Power Summit na ginanap sa OMSC Gym. Pabago-bago din ang halaga ng “utang” ng OMECO na sinasabi ni JTV: P 164 M daw noon at P 324 M naman ngayon. Pagkaraan ng 17 taon, ngayon lang siya maniningil? Ang malaking utang din ng IPC , ay nagpapakita na may sariling pangangailangan din ito ng pera noon, at mahirap paniwalaan ang salita ni Villarosa na pinagbigyan muna ang utang ng OMECO, “kasi wala pa daw pambayad ang coop noon” : Noong August 1998 ( 5 taon pa lamang na nag-ooperate ang IPC) nasira ang 2 units ng IPC at nagkaroon ng malawakang black-out kaya maraming nagalit na consumers. Ang benta ng OMECO ng kuryente ay bumaba ng 35% at tumagal ang black-outs hanggang Dec 1998. Hiniling ng IPC noon na pautangin sila ng OMECO ng $90,000.00 o P3.6 milyon upang ipagawa ng isang makina nila dahil naghihirap ang IPC sa pera. Walang nababanggit sa mga Minutes ng Meeting ng OMECO BOD noon, na naniningil ang IPC ng “utang” ng OMECO sa fuel. Sentido kumon na dapat naningil na lang ang IPC noon sa halip na mangutang sa OMECO . Palusot lang ito ng IPC para linlangin ang tao sa tunay na dahilan kung bakit hindi sila maka-pag operate. Kung sasabihin ni JTV na hindi lahat ng pinag-uusapan ay naka lagay sa Minutes ng BOD meetings, lalo namang hindi kapanipaniwala na sadyang hindi isasama sa Minutes ng Meeting ang “pagsingil ng ano mang utang ng OMECO sa IPC” sa panahon na gipit ang IPC. Noong June 16, 2000 ang IPC at NAPOCOR ay lumagda sa isang Power Purchase Agreement (PPA) kahit na walang pahintulot galing sa OMECO. Sa PPA, IPC ang magsu-supply noon ng power sa NAPOCOR, na sya namang ibebenta ng NAPOCOR sa OMECO. Pagkaraan ng mga 5 taon, noong Oct 27, 2005, bumalik uli ang IPC mag-supply ng kuryente sa OMECO sa pamamagitan ng Tri-partite MOA ng OMECO, NAPOCOR at IPC. Lumalabas sa MOA na nagkautang ang IPC ng P116 milyon sa NAPOCOR. Maliban dito, may P36 milyon pa na penalty dahil sa breakdown ng planta nito. Ayon sa NAPOCOR nagkaroon ng sunod-sunod na major break-down ang 2 unit ng IPC noong 2003 na nagdulot ng malawakang blackout sa franchise area ng OMECO. May balita na ang utang ng IPC sa NAPOCOR ay umabot na sa P180 M as of 2009. Sa ikalawang pagkakataon na ito na kinailangan ng IPC ng perang pambayad ng utang nila sa NPC, wala din record ng minutes ng mga meeting ng OMECO BOD, o kahit anong dokumento, na naniningil ang IPC ng utang ng OMECO. Hanggang ngayon hindi pa nababayaran itong utang ng IPC sa NAPOCOR at lalo pang lumaki dahil sa interest at penalties. May utang ang IPC na P 406 milyon kasama ang interest at penalties sa PNB as of May 31, 2002 (base sa Deed of Assignment ng PNB on record sa SEC). Dahil dito, may mga 5 Director na representative ng PNB ang nakaupo sa IPC BOD para protektahan ang kapakanan ng PNB. Sa laki ng utang ng IPC sa mga naka-transaction nito, hindi kapanipaniwala na hindi nito siningil ang OMECO noon pa kung totoo man may utang ito sa IPC. • Taliwas sa mapanlinlang na propaganda ng Villarosa, ang IPC ang may utang sa OMECO ng P6,356,816.00 dahil sa mga advances para sa fuel sa IPC na hindi na nasingil dahil sa pagsara nang tuluyan nito noong 2007. Hindi din natin napakinabangan ang P0.04 per KwHR na discount below the NPC rate from 2000 to 2005 na nagkakahalaga ng P4,391,710.80. Meron pa rin P10,987,447.78 na compensatory damages ang OMECO na dapat singilin sa IPC para sa lugi nito sa hindi pakikinabang sa P0.04 per KwHR na discount from 2005 to 2011. Hindi pa kasama dito ang lugi ng OMECO dahil walang maibentang kuryente, at ang dagdag na ginastos na P2.1 milyon kada buwan sa pag-arkila ng 2 gensets sa Fabmik noong Agosto 2005. Hindi rin kasama ang pinsala sa ekonomiya at kabuhayan ng taong bayan tuwing may blackout dahil sa sirang planta ng IPC. • Itong walang katotohanan na utang ng OMECO na sinasabi ni JTV, kung totoo man, ay lumalabas na nangyari sa termino nina Dr. Zenen Zapanta na siyang lumagda sa ECA bilang Acting President ng OMECO (na konsehal at ka-partido ni JTV ngayon), at ni dating GM Alex Labrador (na consultant ni JTV ngayon). Nakapagtataka kung bakit hindi sila nagsasalita tungkol sa kathang isip ni JTV na “utang” na ito ng OMECO na naganap noong sila ang namumuno sa OMECO.
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 14:10:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015