SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa) Very interesting ang - TopicsExpress



          

SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa) Very interesting ang grand presscon ng My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera dahil parehong may issue ang dalawang bida ng rom-com movie na dinirek ni Jade Castro. Nalinawan naman ang mga issues, una ang tampuhan nina Marian at Mother Lily. Kay Richard, ang balitang mag-aaral siya sa Switzerland ng film directing. Natawa na lamang ang actor dahil nauna pa raw ang mga entertainment press magsabi na may plano na pala siya. Sa ngayon, he just want to take a break muna, i-assess ang sarili niya at mag-unwind after nag-expire ang kanyang contract sa GMA Network. Ngayon ay naka-focus sina Marian at Richard sa promo ng movie nila na tuloy na ang showing sa July 3. May mga mall shows sila na magsisimula sa Sunday, June 23 sa SM Bacoor. Ayon sa dalawa, okey lamang na nausod ang showing nila dahil mas napaganda at naayos ang editing ng movie. Si Direk Jade naman kitang-kita raw ang chemistry nina Richard at Marian kaya hindi na niya kailangang bigyan ng maraming instructions kung ano ang gagawin ng dalawa. Sa June 30 ang premiere night ng movie sa SM Megamall. philstar/pang-movies/2013/06/22/956836/ryzza-mabibili-na-ang-pangarap-na-bahay-paluluwalan-muna-ng-pera-ni
Posted on: Fri, 21 Jun 2013 16:47:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015