SPORTS ‘DI PA AKO LAOS! -- PACQUIAO (Zaldy - TopicsExpress



          

SPORTS ‘DI PA AKO LAOS! -- PACQUIAO (Zaldy Perez) SPORTS “Hindi pa ako laos, kaya ko pang magpanalo ng mga laban.” Ito ang binigyang-diin ni Congressman Manny Pacquiao sa panayam na lumabas sa Macau Daily News, bilang tugon na rin sa mga ginawang atake sa kanya ni Floyd Mayweather Jr. kamakailan. Sinabi ni Pacquiao na patutunayan niyang kaya pa niyang lumaban sa sandaling magkaharap sila ni Brandon Rios ng Mexico sa Nobyembre 24 sa Venetian Hotel sa Macau. Si Pacquiao ay natalo ng knockout sa kamay ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre sa Las Vegas. Pero, ayon sa Pambansang Kamao, natsambahan lamang siya ni Marquez. “Ang pagkatalo ko ay natsambahan lang tayo. Hindi naman ‘yung binugbog tayo... na-lucky punch lang tayo, which is part of the game,” komento ni Pacquiao. Sisimulan ni Pacquiao ang promotional tour para sa Rios fight sa Hulyo 26 sa Macau. Una nito, dumaldal si Mayweather habang nasa kasagsagan ng media tour ng laban nito kay Saul ‘Canelo’ Alvarez nang mula sa crowd ay may sumigaw nang: “Fight Pacquiao!” Buong pagmamalaking sinabi ni Mayweather na ‘has been’ na si Pacquiao at ‘his career is over’ matapos matalo kay Marquez. Pero para kay Pacquiao hanggang doon lang naman ang kayang gawin ni Mayweather. “Sa atin, nayayabangan tayo. E puro salita lang siya, no? Bakit puro na lang siya salita, ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight,” abante.ph/issue/jul2013/sports01.htm.................kuting
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 02:14:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015