STFAP at updates hinggil sa UP Codal Provisions posted by osa at - TopicsExpress



          

STFAP at updates hinggil sa UP Codal Provisions posted by osa at 2013-11-13 07:54:51 Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at lahat ng university wide student organizations na dumalo sa napapanahon at makabuluhang talakayan hinggil sa STFAP at updates hinggil sa UP Codal Provisions. Pinamagatang How Do I Get You a Loan? A Public Forum on the STFAP and UP Codal Provisions, tatalakayin dito ang mga karanasan ng mag-aaral sa pag-apply sa STFAP at ang mga mungkahing pagbabago tungkol sa pagbayad ng tuition fee sa UP. Layunin din ng talakayan na mabatid ng mga mag-aaral sa UP kung ano ang posibilidad ng pagbabago ng sistema ng pagbayad ng matrikula sa UP at kung bakit kailangan balikan at suriin ang mga polisiyang kinasangkutan ng mga mag-aaral. Isasagawa ang talakayan sa November 15, 2013 1:00pm-2:30pm sa CM Recto Hallo, College of Arts and Letters, University of the Philippines, Diliman. Ang talakayan na itoy hatid ng UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Student Affairs, Office of Student Activities, Office of the Student Regent, Kasama sa UP at STAND-UP.
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 01:25:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015