Sa dami ng tulong na natatanggap ng ating bansa sa ibat ibang - TopicsExpress



          

Sa dami ng tulong na natatanggap ng ating bansa sa ibat ibang panig ng mundo para sa nasalanta ng killer super typhoon Yolanda, kung maaari po sana ay maparating na ito sa mga biktima. Huwag na po sana nating pag-interesan ang mga tulong na ito. Sinasabi nila na walang madaanan ang mga relief operation para sa mga biktima dahil sa mga nagkalat na mga debri, mga kababayan... Kilala sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa kanilang pagiging produktibo, pagiging matalino at pagiging resourful.... Bakit hindi po tayo gumamit ng mga helicopter para mapadala ang dapat na pangangailangan ng mga kababayan nating lubos na nangangailangan ng tulong. Ilang araw na rin pong nakakalipas na wala silang makain. Kung ang mga nagkalat ng debri ang mga nagiging hindrance to prevent the government to distribute the basic needs of this people, why dont the governtment clean up the debris in a certain area para makapagpark ang choppers for help. Huwag po sana nating sabihin na hindi sapat ang mga nakalap nating tulong para sa mga apektadong mga probinsya dahil ang buong sambayanan ay tumutulong para kahit papaano ay maibsan ang hirap na dinanas ng ating mga apektadong kababayan. Labis labis na po ang hirap na kanilang dinadanas, huwag po sana nating silang pagkaitan ng kahit man lang pagkain.... Sa mga makasarili, mapansamantala, at mga corrupt, nakikiusap po ang inyong budhi na kung maaari sana ay magkaroon kayo ng awa sa mga taong halos mawala na ang lahat sa kanila.
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 01:40:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015