Sabi nila, wag mo daw pigilan sa pagdoDOTA ang boyfriend mo, lalo - TopicsExpress



          

Sabi nila, wag mo daw pigilan sa pagdoDOTA ang boyfriend mo, lalo na kung nakilala mo syang nagdoDOTA. Tama naman yun. Wag na wag mo syang papapiliin kung DOTA o ikaw lalo na kng competitive player sya. Bakit d mo subukang sumuporta? Or kung di ka marunong, paturo ka sa kanya Or kung DOTA player ka naman, alam mo naman siguro kung bakit di agad sya makareply sayo, kung bakit minsan may biglaang lakad sya. Or kung ayaw mo eh di wag, hehe joke. Try mo din maghanap ng libangan, maging busy ka sa ibang bagay. Di lang naman sa kanya iikot ang mundo mo. At intindihin mo din sya lalo na pag wala sa mood if natalo sa laro. Ayun, Kung ang dahilan mo is baka nambabae sya, why dont you try na makipagkaibigan din sa mga kaibigan/teammate nya, para malalaman mo kung ano ginagawa nya. Tyaka ang DOTA, umaabot hanggang gabi yan, kaya wag mo piliting matulog ng maaga. Tiwala lang. Pero kung nakikita at nararamdaman mong may umaaligid na babae, ibang usapan na yun. ~RP
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 13:26:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015