Sana ikaw na lang si Pnoy kasi mabilis kang kumilos. Sana ikaw na - TopicsExpress



          

Sana ikaw na lang si Pnoy kasi mabilis kang kumilos. Sana ikaw na lang si Pnoy kasi mabilis kang magisip at gumawa ng aksyon. Sana ikaw na lang si Pnoy kasi hindi ka naprepressure sa mga nangyare sa mga kababayan mo. Tao lang po si Pnoy hindi po sya Diyos, naprepressure din po sya, nasasaktan, sana po sa tuwing nagbibitaw tayo ng salita isipin natin kung mas makakatulong o makakaencourage sa kanya. Sana ikaw na lang si Pnoy para maramdaman mo kung gaano na ka durog ang puso niya. Sa gitna ng delubyo sasabayan pa ng mga masasakit na kumento. Wag po kayong mag-alala sigurado ako hanggang kaluluwa niya tagos lahat ng comments niyo. Sana ikaw na lang ang gobyerno kasi magaling ka... Sana ikaw na lang ang gobyerno kasi mas marami kang alam... Sana ikaw na lang ang gobyerno kasi alam mo kung papaano mapapabilis ang relief operations. Kung naiinip po kayo hindi po ba mas maganda kung tayo mismo ang kikilos para mas mapabilis? Sa Japan nung nagkaTsunami di uso ang looting, sana ganun din sa atin. Sabi ng isang CNN reporter sa Japan mabilis ang aksyon at naka dispersed ang military forces sa buong syudad bakit daw satin kokonti lng? Hindi po tayo mga Hapones, hindi po tayo mayaman, wala po tayong teknolohiya at mga kagamitan na meron sila.. Yung tulong po ng galing sa ibang bansa dumating po ba yun kaagad day after the tragedy, hindi naman po diba? Opo mabagal po nitong mga nakaraang mga araw kasi po marami pong bagay ang wala sa ating bansa, pero sa dami po ng mga ipinahiram sa atin n mga sasakyan at kagamitan mararamdaman na din natin ang pagbilis ng aksyon. Sana po wag na tayong mag-away away sa mga panahong ito, wala pong maitutulong ang pagbatikos natin sa ating gobyerno. Suportahan po sana natin sila. Naniniwala po ako na kung positibo ang magiging pananaw natin mas bibilis ang AKSYON na inaantay natin. Magkaisa sana tayong lahat sa pagtulong at higit sa LAHAT manalangin sa mga kababayan nating dumanas ng matinding trauma buhat ng Bagyong Yolanda. Naniniwala ako na buong lakas ng bawat isa sa ating gobyerno ay ibinigay na nila, naway patnubayan sila ng Diyos, bigyan ng Lakas, Kaalaman at patuloy na gabayan sa pagharap sa sakunang ito. Thank you Lord sa Tulong na ibinibigay mo sa aming Bansa, salamat po at patuloy mo pinapaalala na mahal mo ang bansang PILIPINAS alam po namin na ang lahat ng tulong na ito ay galing sa iyo .Bigyan niyo ng tatag ng loob ang lahat ng nasalanta ng bagyong Yolanda.....Salamat po! #good eyyyybbbninnng!
Posted on: Fri, 15 Nov 2013 10:34:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015