Sana magkaron ng transparency sa perpetual. Hindi po sa wala - TopicsExpress



          

Sana magkaron ng transparency sa perpetual. Hindi po sa wala tayong magagawa, dahil unang una, estudyante tayo ng institusyong ito, tayo ang higit na nakakaalam kung ano ang tama at mali sa ginagawa ng pamunuan. Kaya nga tayo nagaaral e, tapos isasantabi na lang naten ung alam nating mali? Nung first year ako, nagkaron ng problem nung exam, ayaw ako pahuhanin ng permit. Nagpapunta ko ng guardian, kinausap nya ung registrar ayaw pa ring pumayag, nirequest ng tatay ko na kausapin ung mas mataas sa kanya, nagkausap cla ng tatay ko face to face. Nung una, taas noo pa sya, pero nung nabanggit na ung tungkol sa misc. fees, other fees, other charges, at extra fees during the term at nasama pa ang ched since wala clang maipakitang breakdown ng mga nasabing bayarin, tumawag sya sa registrar at nirequest na issuehan ako ng permit, at tila naging tutang maamo. Dko bbgay ung specific na tao. Sana dumatng ung panahon na hindi na magbulagbulagan ung mga estudyante at magulang. Dahil bilang parte ng institusyon, may karapatan ang bawat estudyante. Sanay matigil na ung pagiging corrupt ng mga namamahala, aminin man natin o hinde, maling mali ang sistema ng school naten, napakaganda pa man din ng pangalan ng university. Share lang po. Dhil dito napilitan akong lumipat, ang pangit na kasi ng image ng school nagrereflect tuloy sa mga estudyante. Nakakalungkot lang. Salamat sa pagbabasa. College of Arts and Sciences ~ ate inedit ko lang ng konting-konti. promise Admin E
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 13:57:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015