Sayawan nauwi sa patayan by Johnny Arasga Jun 30, 2013 11:40am - TopicsExpress



          

Sayawan nauwi sa patayan by Johnny Arasga Jun 30, 2013 11:40am HKT NAUWI sa madugong patayan ang masayang sayawan sa isang barangay sa bayan ng Daraga, Albay, ayon sa ulat ng pulisya. Nag-ugat ang karahasan ng magpaulan ng bala ang hindi kilalang mga suspek sa isang biktima na kinilalang si Melito Nabo y Quidez, 48, residente ng Brgy. Gabawan sa nasabing bayan na namatay noon din matapos ang pamamaril. Napag-alaman na bandang alas-9:30 ng kagabi, nanonood lamang ng sayawan ang biktima nang ito ay lapitan ng mga armadong lalaki at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala. Nakuha sa lugar na pinangyarihan ang basyo ng bala mula sa kalibre .45 at 9mm pistol. Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng naturang insidente. ** Admin Jopesh Source: remate.ph/2013/06/sayawan-nauwi-sa-patayan/
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 07:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015