Senyales na nanloloko si mahal BIGLA ba ang mga pagbabago ng - TopicsExpress



          

Senyales na nanloloko si mahal BIGLA ba ang mga pagbabago ng iyong mahal? Duda mo ba na mayroon na siyang iba? Well bago sagutin ang mga katanungan na ito, ask yourself, may batayan ba ang iyong mga nararamdaman? Tandaang you can never know for sure, unless he/she tells you. Kaya bilang tip, narito ang ilang senyales upang malaman kung niloloko ka ba ng iyong partner. “ROVING EYE” ––––Walang masama kung maging malikot ang mata ninuman habang nakikipag-usap sa isang tao, pero kapag kapareha na ang gumawa nito na hindi naman niya normal na inaakto, 95% may itinatago siya sa iyo. MAY IBANG AMOY––Ang isang lalaki ay hindi basta na lang nagpapalit ng pabango o cologne unless binigyan sila ng kanilang kapareha ng bagong brand nito. Kaya girls if isang araw ay nag-iba ang pabango ng iyong kapareha, ask about it! ‘NANLALAMIG’–––Isa sa pinaka-common na batayan ng pagbabago ng partner ay ang kanilang panlalamig. Kung noon ay ‘loving’ sila sa inyo at biglang naging ‘friendly’ na lang, check for it! HE MAKES EXCUSES–––Kapag ang ka-partner ay biglang nawalan ng interes sa madalas ninyong ginagawa at kay raming excuses, maaaring ito ay dahil may iba na silang pinagkakaabalahan, kaya mainam kung maging observant. MAY BAGONG “FAVORITE” HANG-OUT –––Kung ang inyong guy ay biglang nagkaroon ng bagong ‘favorite’ hangout at hindi mo ito batid, aba’y dapat na kayong magtaka at isipin kung sino ang kinatatagpo nito doon. DEDMA ANG TAWAG N’YO–––Kapag dedma na girls ang inyong tawag sa inyong kasintahan at ni-return call ay hindi na magawa, mainam kung huwag na kayong umasa at makipagliwanagan na lang nang maging maliwanag ang lahat. LAGING LATE SA PAG-UWI–––Kapag napapadalas ang pag-uwi ng late ng kasintahan, at madalas na rason nito ay dahil sa trabaho o kaya ay may binili lang sa store, hindi na siya dapat pang pagdudahan, dahil tiyak na mayroon na siyang iba. MAY BAGONG SET OF FRIENDS–––Kapag nagkaroon ng new sets of friends ang iyong partner at hindi mo kilala ang mga ito, kuwidaw ka dahil maaaring kasama ng mga ito ang bagong love of his life. admin candy :)
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 07:23:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015