Simpleng tipid tips sa LPG Palala na nang palala ang krisis sa - TopicsExpress



          

Simpleng tipid tips sa LPG Palala na nang palala ang krisis sa tubig, enerhiya, at salapi. Bilang isang mabuting mamamayan, dapat matutong magtipid at magsulong ng mga gawain na makapagpapalaganap nito. Sundin ang mga sumusunod na mungkahi: Iwasang magluto nang walang takip ang kaldero upang hindi masayang ang gas dahil lumalabas ang init sa niluluto mo. Isipin mo ang prinsipyo ng pressure cooker. Dapat ay mahigpit ang takip para hindi lumabas ang init. Kapag nagsalang ka ng kawaling basa, o bagong hugas, punasan mo muna ito ng tuyong malinis na basahan para hindi na gas pa ang magpatuyo nito. Kung magpiprito ng manok o isda na naka-marinade o basa, ilagay muna ito sa salaan para mawala ang ekstrang tubig. Sa gayon, maiiwasan na ang pagtalsik ng mga tubig, makatitipid ka rin sa gas. Isalang ang kaldero kapag nakahanda na ang mga ingredients ng lulutuin. Huwag sosobrahan ang tubig na isasabaw dahil mas maraming tubig na nakalagay, mas maraming gas ang nakokonsumo sa pagluluto. Mag-invest sa pressure cooker lalo na kung mahilig kayong magluto ng nilaga, dahil napaka-efficient nito sa pagluluto ng karne. Pero siguruhin na marunong gumamit nito, at hindi ito dapat binubuksan agad-agad pagpatay ng apoy. Ang pagtitipid ay nakatutulong hindi lamang sa pagbabadyet kundi pati na rin sa ating naghihirap na ekonomiya. Gawin mo itong lifestyle at makikita mo ang kaibahan.
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 00:58:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015