Sinamahan ko kaninang umaga sa Agong, San Roque ang representative - TopicsExpress



          

Sinamahan ko kaninang umaga sa Agong, San Roque ang representative ng Winrock International para magmonitor sa Agong Elementary School ng Solar Schools Project ng Sun Power Philippines doon. Nabigyan ang naturang school ng 420 watt pick solar panel set with 24 inch flat TV, DVD player, speakers, and e TV set. Layunin nito na mabigyan ng power supply ang mga paaralan na malayo sa conventional power supply para ma facilitate ang learning. Kasama namin si SB Member Shernan Gamol ng Mansalay, Oriental Mindoro. Bagamat mahirap ang kalsada papuntang Agong ay naging makabuluhan ang pagpasyal ko doon. Maghahain po ako ng isang resolusyon ng pagkilala at pasasalamat sa sponsor at conduit ng proyekto at isa pang resolusyon para hilingin ang kaparehong proyekto para sa Umabang, Bailan, & Waring Elementary Schools & Balditan Primary School sa Barangay Benli.
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 09:16:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015