Sobrang naiyak ako sa episode ng MMK. Never assume unless - TopicsExpress



          

Sobrang naiyak ako sa episode ng MMK. Never assume unless otherwise stated. I-share ko lng experience ko. It took time for me to decide whether to post this or not. Sana may makuha kayong aral. *Medjo mahaba po ito,(png MMK dn)…Pasensya na! :) NBSB ako, meron namang manliligaw pero wala pa akong plano mgkaroon ng bf. Pero nung time na nakilala ko si Kuya, sabi ko eto nayun! 3rd year 2nd sem, (Nov) nung nag-join ako s isang business. Nakilala ko si Kuya(Nursing graduate) dahil kay Former crush. We became close friends. Sobra ang bonding at kulitan.At first hndi ko sya gusto pero habang nagiging madalas ung time n mgksama kami, mas nakikita ko ung mga characteristics ng ideal guy ko sa kanya…ung tipong sasabihin ko nalang s sarili ko, “ay s#!t bakit ganun sya?”…hanggang sa unti-unting naging crush ko si Kuya pero hndi ko sinabi yon. Kaya nagulat ako nung sinabi nya sakin na crush nya ako. Di ako umamin na crush ko dn sya pero feeling ko alam na nya. Sweet sya sakin nun and maybe ganun dn sya sa iba? But he made me feel special. Gumawa dn ako ng paraan para mas mkasama sya. To the point na ubos na allowance ko, na late na kong umuwi dahil sa dance practices kahit prelim exams na. Na-defocus ako s pag-aaral ko. Alam kong mali un. I have choices but I had my choice! Ang tanga ko pero feeling ko kse ako ung pinakamasayang tao s mundo nung mga time na yun. Akala ko kase... Hanggang isang araw, dumating sya from a business trip at parang “wala na”…Yun na yon! Tapos na ang maliligayang araw ko! Nakakapanibago. Nakakainis. At ang sakit maghintay sa wala!! Pero binalewala ko un, at sinabi ko s sarili ko, “ganyan talaga, people change”. Nung mga time na yun, sinikap kong magfocus s grades ko na ang hirap ng habulin. Walang tulog. Nakakapagod. At the end, may na-fail parin ako. Sobrang sakit kase regular ako mula first year, at kung kelan last sem before internship saka pa ako bumagsak. Magdamag akong umiyak nun. Yung tipong ibinuhos ko na lahat-lahat. At alam kong hndi lng un dahil sa grades,kundi dahil din s knya. 3 weeks dn na d nila ako nakausap ng maayos, at everytime na may kakausap sakin, bigla nalang akong luluha. wala akong contact kahit kanino. I felt humiliation, frustration and shame. Nahihiya ako sa parents ko. Kung pwde lang sana ibalik lahat ng nangyari pero you cannot bring back the past, nor change them. Masakit pero kailangan mag-move-on. Hindi ako ng-enroll ng 1st sem and this 2nd sem ko lang tinake ung mga subjects na nabagsak ko.Delayed ako ng 1 year, but hopefully incoming intern this May. I’m already happy, no bitterness. Sa mga enrolled pla ng B*** 3 2nd sem jan, FOCUS!!! Mahirap ma-delay, sayang!! Ok na ako pero i-share ko lang to: One day dumaan ako s office namin para bumili ng product, natuwa ako dahil wala dun c Kuya. So nung palabas na ako, hndi ko ba alam kung bakit napadaan ako sa bulletin board namin. Habang binabasa ko ung updates may tumawag sa’kin sa pet name na tawag sa’kin ni Kuya. So napalingon ako sa left ko at ayun sya may kasamang girl. Sabi nya sakin: “uy (*insert petname here)!! Long time no see ah.. namiss kita!!! Ay si ____pala, gf ko! Ay saglit, jan ka muna ha, ihatid ko lang si Ate mo sa baba :)”……ako: ay ok po Kuya!(sabay takas) --the end! ***Ok lang naman, bwisit lang.. ang ganda ng salubong! Haha MESSAGE kay Kuya: Be happy with Ate! :) -blue sapphire, 3rd, S***, 211*****
Posted on: Sun, 01 Dec 2013 00:59:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015