Super pagod ako sa work. Maghapon akong nakatayo dahil bago na - TopicsExpress



          

Super pagod ako sa work. Maghapon akong nakatayo dahil bago na naman ginagawa ko. Masyado yatang mataas ang expectation ng supervisor ko sa akin at one day training lang binigay sa akin. Iyong isang Espanyol 4 days daw siya nagtraining doon sa work na iyon. Mas gusto ko ang sapat na training. Mahirap sa umpisa lalo pag iniwan ka agad sa work. Pangalawang araw kong mag-isa. Kahapon may nerbiyos ako pero ngayon unti-unti ko ng nagagamay ang bagong work ko. Mabuti na lang talaga at napakabait ng mga kasama ko sa work. Tinutulungan nila ako. Kahapon 4 na tao ang tumulong sa akin. Napakapalad ko talaga na magkaroon ako ng mababait na co-workers. Kahit hindi ko mga katrabaho ay mababait din sa akin. Binabati nila ako, nginingitian, at nakikipagkuwentuhan sila sa akin. Salamat po Lord sa pagbibigay sa akin ng magandang trabaho. - Billy Chua
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 22:04:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015