TAPE 10 [Phone ringing] Woman 1: Hello Attorney? Woman 2: Sino - TopicsExpress



          

TAPE 10 [Phone ringing] Woman 1: Hello Attorney? Woman 2: Sino ‘to? Woman 1: Si Juliet Lima November ‘to. Wiman 2: ‘Di ba’t sinabihan na kitang palitan mo ang iyong code name? Masyadong obvious! Baka may nakikinig sa atin, malilintikan tayo. Woman 1: Sorry po Attorney. Woman 2: At ilang beses ko bang sasabihing huwag mo akong tatawaging attorney sa telepono?! Gusto mo bang mahuli? Woman 1: Pasensya na po. Ano nga ulit ang code name n’yo? Woman 2: Gisele. Gisele Bündchen. Woman 1: Gisele Bündchen talaga?!? Woman 2: Walang pakialaman ng trip. O, ba’t ka tumawag? Woman 1: Nasa diyaryo kasi ngayon sina G, A, N, I, at D. Ang sabi sa report mga conduit ko raw. Ano bang dapat kong gawin? Woman 2: Ano pa, eh ‘di gaya ng dati. Tawagan mo personally at pakiusapang ‘wag na ‘wag magsasalita. Woman 1: Paano po kung ‘di pumayag? Woman 2: Sampalin mo ng pera. Pera lang ang katapat ng mga ‘yan! Woman 1: Kopya po. Salamat po Atty. Gisele. Woman 2: Bündchen, ‘wag kalimutan.
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 18:46:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015