THE MOUSE TRAP (edited,translated) sumungaw ang daga mula sa - TopicsExpress



          

THE MOUSE TRAP (edited,translated) sumungaw ang daga mula sa kanyang lungga dahil narinig nya ang mag asawang magsasaka na may pinagkakaabalahang buksan na isang maliit na kahon..mataman nyang pinag mamasdan ang kahon sa pag aakalang pagkain ang laman niyon at ganun nlang ang takot ng daga dahil ang laman ng kahon ay isang MOUSE TRAP. dali daling nagtatakbo ang daga na sumisigaw.. "tulungan nyo ko..may MOUSE TRAP sa loob ng bahay!!! may MOUSE TRAP sa loob ng bahay!!"..sigaw nito. narinig ng manok ang kanyang sigaw at ito ay nagwika... "pasensya ka na daga, wala akong magagawa dyan, para sau ang patibong na yun..wika ng manok.. kayat tumakbo ang daga at napadpad sya sa kulungan ng baboy habang sumisigaw.."tulungan nyo ko..may MOUSE TRAP sa loob ng bahay!!" ipag dadasal na lang kita daga..problema mo yan mag isa..wika ng baboy.. kayat nagtatakbong muli ang daga at sya ay nakarating sa kural ng baka...subalit nagtawa lng ang baka at nag wika..."balewala sa akin yan daga..ni hindi nga ako masusugatan sa mouse trap na yaon...ihanda mo nlang ang sarili mo..wika ng baka.. kayat napilitan ang daga na bumalik sa loob ng bahay upang harapin mag isa ang problema.. kinagabihan ay narinig ang malakas na tunog sa loob ng bahay at ito ay galing sa mouse trap.. nagising ang asawang babae ng magsasaka at tiningnan ang mouse trap, at dahil madilim ang gabi hindi npansin ng asawa ng magsasaka na ang nahuli ng mouse trap ay makamandag na ahas, naipit ang buntot nito at tinuklaw ang asawang babae ng magsasaka... dalidaling dinala ng magsasaka ang kanyang asawa sa ospital subalit dahil nasa liblib silang lugar at kulang sa kasangkapan ay hindi nalapatan ng maayos na lunas ang babae, umuwi ang mag asawa na inaapoy ng lagnat ang babae.. at pinayuhan ang magsasaka ng kanyang mga kapitbahay na mainam na gamot sa lagnat ang sabaw ng MANOK.. kayat kinatay ng magsasaka ang manok at pinakain at pinahigop ang sabaw sa asawa..subalit hindi pa din maalis ang lagnat ng babae dahil sa patuloy na pgkalat ng kamandag..kayat ang mga kapitbahay ay halinhinang nagbabantay sa asawa ng magsasaka..at upang mapakain ng magsasaka ang mga kapitbahay..kinatay nya ang BABOY at syang pinakain sa mga tao.. subalit sa kasamaang palad hindi nkaligtas ang babae at ito ay namatay..dumami ang nakiramay sa magsasaka kayat pinatay ng magsasaka ang BAKA upang isilbi sa mga nakikiramay.. ang lahat ng iyon ay nakita ng daga mula sa kanyang lungga at sya ay nakamdam ng matinding kalungkutan... So, the next time you hear someone is facing a problem and think it doesn’t concern you, remember, when one of us is threatened, we are all at risk. We are all involved in this journey called "LIFE". We must keep an eye out for one another and make an extra effort to encourage one another. Each of us is a vital thread in another person’s tapestry. good nyt.. MR.dick>>
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 18:38:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015