==THIS POST IS DDECATED TO MY BELOVED FRIEND Absent Mineded - TopicsExpress



          

==THIS POST IS DDECATED TO MY BELOVED FRIEND Absent Mineded === Dear Wife, Sumusulat ako ngayon sa’yo para sabihin sa’yo na aalis na ako at hinding-hindi na babalik pa. Sa 7 taong pagsasama natin, naging mabuting asawa ako sa’yo pero hanggang doon na lang siguro ang lahat. Nitong huling 2 linggo ay parang bangungot sa akin. Tumawag ang iyong amo at sinabi sa aking umalis ka na raw sa trabaho mo, iyon na ang nagtulak sa akin para tuluyan kang iwan. Last week, ni hindi mo napansin na napagupit ako. Ni hindi mo napaning ipinagluto kita ng paborito mong ulam at hindi mo rin napansin ang suot kong bagong silk boxers. Kumain ka sa loob ng 2 minuto, nanuod ng mga paborito mong soap opera at natulog ka na agad. Hindi mo na sinasabing mahal mo ako, ayaw mo ng makasiping ako sa kama, wala nang patutunguhan itong relasyon natin. Alin na lang sa dalawa: pinagtataksilan mo ako o hindi mo na talaga ako mahal. Kahit anupaman ang sagot, aalis pa rin ako. Your Ex-husband. P.S. Huwag mo na akong hanapin. Ako at ang iyong kapatid na si Carla ay aalis na at magpapakalayo-layo. Maging masaya ka sana! Dear Ex-husband Wala ng nakapagpasaya ng araw ko kundi ang pagkakabasa ko sa liham mo. Totoo ngang naging mag-asawa tayo sa loob ng 7 taon, pero hindi totoo na naging mabuti kang asawa sa akin. Nanonood ako ng soap opera dahil doon ko lang nakakalimutan ang pagbubunganga mo at pag-eemote mo ng walang katuturan. Ni hindi nga iyon epektib. Napansin ko rin na nagpagupit ka, pero una kong naisip na “MUKHA KANG BABAE”. Ang sabi ng nanay ko dati, kung wala raw akong magandang sasabihin, huwag na lang akong magsasalita, kaya hindi na ako nagsalita. At noong niluto mo ‘kamo’ ang paborito kong ulam, mukhang naipagkamali mo ako sa kapatid kong si Carla, matagal na akong hindi kumakain ng karne, 7 taon na. At iyong bagong silk boxers mo? Hindi ko na pinansin kasi nakita ko sa tag ang nakalagay na 500 Php. Nagdasal na lang ako na sana ay hindi iyon ang 500 na hiniram sa akin ng kapatid ko kaninang umaga. Pero magkagayon pa man, mahal pa rin kita. Kaya nga nung nanalo ako sa lotto ng 500 MILYONG PISO, bumili ako agad ng 2 ticket papuntang Europe. Pero nung nakauwi ako, wala ka na. Siguro nga, lahat ng nangyayari ay may rason. Sana maging masaya ka sa buhay na pinili mo. Siya nga pala, sabi ng abogado ko, itong liham na ibinigay mo raw sa akin ay patunay na WALA NI ISANG KUSING KANG MAKUKUHA MULA SA AKIN AT SA PERANG NAPANALUNAN KO. Take care! Your Ex-Wife-rich-as-hell. P.S. Bago nga pala naging CARLA iyang kapatid ko, naging CARL muna siya. Sana wala iyong problema sa’yo. PAKASAYA KAYO! :) :) :)
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 11:41:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015