Tacloban City, nakapanghihinayang - Team Albay Posted by Bombo - TopicsExpress



          

Tacloban City, nakapanghihinayang - Team Albay Posted by Bombo La Union Posted in Latest News Wednesday, 13 November 2013 13:00 LEGAZPI CITY - Inihalintulad ngayon ng isa sa mga kasama sa Team Albay Humanitarian Mission sa isang basurahan ang kasalukuyang sitwasyon ng Tacloban City. Mula aniya sa isa sa pinakamagandang lungsod sa Visayas, maikukumpara na ito sa isang malaking dumpsite kung saan nagkalat ang mga patay, wasak ang mga bahay at gusali habang marami ang nasirang ari-arian. Maliban pa ito sa mga pakalat-kalat na mga residente sa mga daan na halos maghabulan at hindi mapakali tuwing nakakakita ng mga sasakyang may dalang mga relief goods. Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rondon Ricafort mula sa Team Albay, sinabi nito na iyon ang nakikita sa paligid sa bahagi ng Eastern Visayas State University kung saan sila pansamantalang nananatili kasama ang tropa ng NDRRMC at iba ang mga foreign at supporting agencies ay pawang mga nalubog sa halos 17 na talampakan na tubig at nagmistulang karagatan sa gitna nang pananalasa ni bagyong Yolanda. Kaya naman kitang-kita ang mga nagkalat na mga kagamitan na hindi na rin mapakinabangan. Kaugnay nito, base sa kanilang pagtataya, maaring abutin na sa mahigit 2,000 ang patay sa lugar habang maaring umabot naman sa 10,000 ang maaari pang maidagdag. Itoy dahil sa marami pang mga nagkalat na bangkay sa gilid ng daan, mga bahay na hindi pa maipasok ng search and rescue team at maging ang mga bangkay na nasa dalampasigan at nasa gitna ng karagatan na nagpapalutang-lutang lamang hanggang sa ngayon. Samantala, sa kabila nang kaliwat-kanan na clearing operation sa lugar kahit halos limang araw na ang nakakalipas, wala pa ring pinagbago ang Tacloban City. Dahil pa rin ito sa limitadong galaw ng tropa at mga rescue team partikular sa mga lugar na pahirapan pa ang pagpasok. Sa kabilang dako, pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon sa lugar kung saan ilang lugar pa lamang ng lungsod ang may signal. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/31566-pulis-sugatan-matapos-sumalpok-ang-motorsiklo-sa-mini-dump-truck#sthash.ZlrYT1UE.dpuf
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 06:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015