Tricycle Love Story Kung si Yeng ay may Jeepney Love story, ako - TopicsExpress



          

Tricycle Love Story Kung si Yeng ay may Jeepney Love story, ako kanina may Tricycle (maipilit lang) love story. Well, hindi naman talaga siya love story kung itetake niyo yung full meaning ng salitang love. Pero ganito kasi yun… Habang tahimik at bored akong nakapila sa maikling pila ng tricycle, nakita ko yung isang kolehiyala paparating. May hawak siyang parang 1/4 illus. board. Tumigil siya sa gilid ng pila. Pakiramdam ko sisingit siya. Dumating na yung tricycle na sasakyan namin. Yung tricycle kasi na yun, apatan. Ayun, sumakay na ako sa likod. At tama nga ako! sumingit si ate at sa likod din naupo, katabi ko. Ayos! Basta, may itsura talaga si ate. Nakita ko yung hawak niya na ala 1/4 illus board. Mukhang plate. Di ko alam, baka archi o eng o kung ano mang nagdradrawing ang kurso niya. Nagsimula ng umandar yung tricycle. Ayun, tinatangay yung hawak niya. As in. At ako, bilang isang gentleman, tinulungan ko na siyang hawakan yung plate niya para hindi tangayin ng hangin. Sana lang masmahaba pa yung byahe namin. Kaso hindi, kinailangan ko ng bumaba agad eh. Sayang. Pero nakita ko yung pangalan ni ate sa plate niya. Patricia. ♥ Hihi.
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 06:00:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015