Trip sa Korea idinepensa ni PNoy (Bernard Taguinod) Idinepensa - TopicsExpress



          

Trip sa Korea idinepensa ni PNoy (Bernard Taguinod) Idinepensa ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang kanyang biyahe sa South Korea sa gitna ng trahedyang nararanasan ngayon ng mga biktima ng lindol sa Central Visayas dahil habang inaasikaso umano ang problema ay hindi rin umano dapat pabayaan ang kinabukasan. Sa departure speech ni Aquino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga, inamin nito na nakarating sa kanyang kaalaman ang pagtutol ng ilan na tumuloy ito sa kanyang biyahe sa South Korea dahil sa nangyaring trahedya. “May mga nagtanong po kung dapat tayo tumuloy matapos ng nangyari na lindol sa Kabisayaan. Ang sagot po natin dito: Habang inaasikaso nga ho ang kasalukuyan, dapat naman ho siguro huwag natin pabayaan ang kinabukasan,” ani Aquino. Sinabi ng Pangulo na hindi magpapabaya ang gobyerno sa kanilang reponsibilidad sa Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Central Visayas habang wala ito sa bansa dahil naka-deploy na umano ang lahat ng mga opisyales ng gobyerno na tumutulong sa mga biktima. Kaugnay nito, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., kinumpirma nito na P12 milyon ang gastos ng delegasyon ni Aquino sa South Korea na umaabot sa 60-katao na kinabibilangan nina Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng kanyang Gabinete. Kabilang sa mga ito ay sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Trade Secretary Gregory Domingo, Energy Secretary Carlos Jericho Petilla, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Presidential Management Staff head Julia Andrea Abad at Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria.
Posted on: Fri, 18 Oct 2013 06:29:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015