True friends stay together and never say goodbye. Hello po - TopicsExpress



          

True friends stay together and never say goodbye. Hello po TPMayers!!! Gusto ko lang pong magshare or magbuhos ng *something* na feeling ko hindi na kaya isip at puso ko. (It hurts you know!) Lahat naman tayo (siguro?) may kaibigan. Ako (actually kami) ay may isang friend na medyo panget ang ugali. (Lahat naman tayo may side na ganun pero nakokontrol) Kasi itong friend ay medyo may pagka-RK, as in maarte siya pero mabait din naman. Minsan lang talaga nakakapikon na pero as true friends eh, hindi naman sa gusto, pero kami na lang ang nagkokontrol ng inis namin sa kanya. Ayaw kasi namin siyang mawala sa friend zone namin kaya kami na lang ang nag-aadjust. Honestly speaking, matino naman siya pagdating sa acads and other aspects related sa school pero ang panget lang sa kanya ay ang ugali niyang hindi niya napapansin. Para kasing hindi niya muna iniisip ang gagawin o sasabihin niya sa iba. (Diba nakaka-offend naman sabihan ka ng panget na words diba?). Para hindi na humaba pa ang kwento ni Lolo mo, nais ko lang sabihin sa *kung sino ka man, alam mo yan sa sarili mo* na Think before you speak (actually natutunan ko lang ito sa prof namin sa philosophy last sem na si Sensei). Yun lang po. Thanks TPM! -aKOTONGero, 2013-10***, CS, BSMath.
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 12:56:00 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015