Tumakas sa employer na may topak, isinelda (ACano) Natakasan ang - TopicsExpress



          

Tumakas sa employer na may topak, isinelda (ACano) Natakasan ang lupit ng pinagsisilbihang pamilyang may topak, pero hindi natakasan ng isang Filipina domestic helper ang batas sa Kuwait dahilan para ito ay makalaboso at napipintong ipatapon pabalik ng Pilipinas. Sa panayam ng local press sa Kuwait sa Pinay DH na itinago sa pangalang Liza, nadakma umano siya ng mga immigration police dahil sa paglabag sa residency nitong Agosto 19 sa isang kalye sa Kuwait habang nagsasagawa ng crackdown sa mga illegal na mga dayuhan. Dinakma ang Pinay dahil sa pagiging runaway maid matapos nitong taka­san ang kanyang 98-anyos na babaeng employer na umano’y may topak. Maliban umano sa 98-anyos na amo ay mayroon pa umano itong anak na lalakeng kalalabas ng mental hospital. Ang nasabi umanong lalake ay mayroon pang apat na anak na lalake na ang tatlo ay may problema rin sa pag-iisip. Inilarawan ng Pinay ang masaklap na karanasan sa pamilyang employer kung saan ay araw-araw umanong naghuhubad sa kanyang harap ang mga may diperensiya sa pag-iisip na mga employer. .....:( =adQUINN=
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 06:21:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015