WHY SOME PEOPLE FAILED TO SUCCEED IN NETWORK MARKETING??? 1. NO - TopicsExpress



          

WHY SOME PEOPLE FAILED TO SUCCEED IN NETWORK MARKETING??? 1. NO PROSPECT LIST * PROSPECT LIST IS A LIST OF PEOPLE WHO MAY OR MAY NOT JOIN YOU. * A TYPICAL PERSON SHOULD ALWAYS HAVE A MINIMUM OF 100 names on a list at any given time in order to maximize activities, contact your prospect daily, follow up on your prospect everyday, update your list everyday. Ang prospect list ginagawa ng networker para hindi malito sa bawat araw kung sino ang kakausapin at kung sino ang ipafollow up. Importante ito kasi ang isip natin may limitasyon. Ang memory natin may limitasyon. Hindi kayang isaisip o maalala ang lahat ng kakilala, kaibigan natin kung isip lang at hindi ito ililista. Makakatulong ito para maalala mo din kung sino ang dapat ifollow up mo lalo na kapag naipresent na sa kanya ang business, mas madaling gawin ang LAW OF AVERAGE kapag may prospect list, isa sa dahilan kung bakit may mga nagnenetwork ay hindi nagsa-succeed dahil walang prospect list. 2. LACK OF COMMITMENT, DOESNT GIVE TIME AND MONEY COMMITMENT TO DO HIS/HER BUSINESS • doesnt spend time on personal development. • doesnt attend trainings • NO ACTION do wahatever it takes to succeed in the business Ito yong tao na ayaw halos mag-commit. Ito yung tao na mahilig magreklamo, mahilig mag DAHILAN. Kung maaraw at mainit ayaw gumawa, kung maulan ayaw din gumawa... 3. INCOME DRIVEN • TOO IMPATIENT • WANTS TO EARN A BIG AMOUNT OF MONEY IMMEDIATELY • ONLY INTERESTED IN PERSONAL PROFITS • doesnt believe in the product of the company help people first get what they need and you will get what you want in life Dito sumasablay ang ibang mga nagnenetwork na ang laging iniisip ay ang sariling pakinabang at hindi ang concern ng mga downlines. Hindi naiintindihan talaga na ang network marketing ay more on keeping. Hindi lang kung paano magparami kundi kung paano ikeep ang grupo. 4. UNREALISTIC EXPECTATION • EXPECTS TO EARN HUGE INCOME BUT EXERTS TOO LITTLE EFFORT • THINGS WILL HAPPEN OVERNIGHT. Ito naman yung mga sobrang mag expect, gusto madalian. Ito yong mahilig magbilang ng effort kaya pag naramdaman nya na marami rami na nagawa nya at hindi pa ganuon kalaki ang resulta o income nya nanghihina agad. Hindi naiintindihan na sa network marketing na parang ang tinatanim dito ay mangga at hindi monggo. Ito ay postpone gratification, matagal mamunga, kasi didiligan at aalagaan pa. Huwag bibilangin ang effort. 5. LACKS OF EXCITEMENT: • well versed with the presentation but lacks enthusiasm • BY BO principle: people will buy you before they buy the opportunity Ito naman yong mga tao na kapag magpresent ay lousy, walang kagana gana walang kabuhay buhay. 6. LISTENING TO NEGATIVE PEOPLE • who easily gives in to negative people and dream stealers • cant think for himself/herself • hangs around negative people birds of the same feather flocks together Ito naman yong madaling maapektuhan mahilig makinig sa mga taong negatibo. Hindi makapag pasya ng sariling pagpapasya mahina ang paninindigan. Emotional ang ganitong tao, madaling matangay ng negatibong tao. 7. EASILY DISCOURAGED • gets discouraged by small problems and inconveniences • gives up too soon • quits after a few rejections quitters never win. Winners never quit Ito yung mga madaling bumigay lalo sa mga problema, takot humarap sa mga problema, hindi naiintindihan na ang problema ay kailangan harapin para sa personality development. Sa mathematics ang kailangan ay problema para isolve, na kapag na solve na ang problema ay ibang level na. Kaya nagiging problema ang problema ay kung titingnan ang problema ay problema talaga at hindi tinitingnan na yun ay sitwasyon lang, sitwasyon na kailangan ibigay sayo para maenhance ang pagkatao mo. 8. NO WRITTEN GOALS • DOESNT KNOW HIS PURPOSE FOR DOING THE BUSINESS • DOESNT KNOW WHAT HE WANTS IN LIFE • has no directions or dreams. ..use props. Surround yourself with items of clothing, pictures, photographs, and relevant objects, so you can imagine and feel the feelings of having what you want. Ito naman yung tao na halos walang kapanga pangarap sa buhay, hindi nya malaman kung ano ba talaga ang gusto nyang marating. Gumawa ng VISION BOARD, para mafeel mo ang gusto mong maabot napangarap kahit hindi mo pa naabot, IAATRACT mo na kahit hindi mo pa naabot. 9. MAKING YOURSELF AN ISSUE • I DONT HAVE TESTIMONIES • I AM NOT A GOOD SPEAKER • I DONT HAVE A GOOD EDUCATIONAL BACKGROUND • I AM NOT A GOOD CONVINCER • I DONT HAVE MONEY • I KNOW FEW PEOPLE Mahilig din magdahilan ang ganitong tao. NEGATIBO lalo na sa sariling kakayahan, isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga sumasali sa network marketing na hindi nakakapanik. 10. DOES NOT FOLLOW UP • WAITS PROSPECTS TO CALL • DOESNT SHOW PROSPECTS TO CALL • DOESNT SHOW PROSPECTS THEY CARE ABOUT THEM • FEARS OF REJECTION follow the 24 hour rule! Ito naman yung tao na pagtapos na mainvite nya ang prospect nya ay hahayaan na lang na sya ang tawagan o hihintayin nya na itext sya o imessage siya. Hindi alam nito na obligasyon nya na ifollow up ang prospect. Ang masaklap kapag magjojoin sa iba ang prospect nya dahil hindi nya napafollow up duon na mag eemote. Napakaimportanteng parte ng business ang magfollow up, hindi maghihintay na ikaw ang ifollow up ng prospects. Within 24 hours dapat nai-follow up mo ang guest mo para hindi bumaba ang excitement level. 11. TAKES NO PERSONALLY • feels down whenever friends and relatives say no to them • thinks that they are the one being rejected and not the opportunity • feels that prospects say no because there is something wrong with them NOsometimes doesnt mean they dont like the opportunity it could be not now or its not yet the time. Follow the 6 months rule! Apektado pag tumatanggi ang prospect. Hindi ibig sabihin na sinabing ayaw ng prospect ay ayaw na talaga. Ang tao hanggat hindi pa nya kailangan ang inaalok mo aayaw pa yan. Pero kapag dumating ang panahon na kailangan na nya, siguradong OO din yan sa inaalok mo. Parang ganito, ang tao kapag busog alukin mo ng pagkain ayaw talaga, pero pag gutom yan hindi basta aayaw yan. Susunggaban agad yang inaalok mo! 12. POOR POSTURE • LACKS SELF ESTEEM • POOR GROOMING AND IMAGE • HAS AN UNPROFESSIONAL APPEARANCE • BEGS AND FORCES PEOPLE TO JOIN Ito naman yung mga taong lousy. Haharap sa prospect na di nakaayos. Kung tumindig parang walang kakumpiyansa sa sarili. Wala sa ayos manamit, madungis tingnan. 13. PREFERS DOING UNPRODUCTIVE THINGS IN HIS BUSINESS • WANTS TO ATTAIN SOMETHING BUT IS NOT WILLING TO PAY THE PRICE Ito naman ang tao na nakatingin sa resulta pero ayaw o takot mahirapan. Tutulog tulog sa pansitan ang ganitong tao. Kahit anong business kailangan ng sipag at kailanman walang tamad na umasenso. 14. FAILS TO HANDLE PARTNERS CONCERNS • lacks of support for partner especially in times of problems • is present during good times but cant be seen during bad times Ito naman yung tao na laging sarili ang iniisip, kaya hindi mo makikita kapag nangangailangan sa kanya ang leader nya. 15. TOO SELF ORIENTED • has the disease of ME • is FOCUSED too much on attaining personal goals • fails to see the needs of others Makasarili din ang ganitong tao! 16. RESENTFUL OF UPLINES EARNINGS • always thinks that if will work hard, his upline will be the one to benefit • sometimes stops working so that their uplines income will also stop Ito naman yung mga tao na takot na kumita ang upline. Iniisip nya na kapag hindi siya gumalaw walang kikitain ang upline. Ang akala ng ganitong tao na kapag hindi siya gagalaw babagsak ang negosyo ng upline nya at hindi nya naisip na isa lang siya sa downline ng upline nya, may ugaling crab mentality ang ganitong tao. 17. DOES NOT STAY FOCUSED • keeps on jumping from one company to another without achieving some degree of success • focuses on royalty not loyalty Ito naman yung tao na palipat lipat parang tipaklong talon ng talon. Ang iniisip nito ay kapag maraming kumpanya syang sasalihan ay mas malaki ang kikitain nya, pero ang di nya nalalaman na mas lalo syang malilito kapag iba ibang kumpanya ang hawak nya. Ang ganitong tao ay hindi ganuon katibay lalo sa pagpapalaki ng grupo, mahirap maghandle ng malaking grupo kapag maraming kumpanya na hinahawakan. 18. DEPENDS TOO MUCH ON UPLINES • wants upline to build his business for him/her • wants something for nothing • doesnt exert effort to learn the business Ito naman yung tao na walang ginawa kundi hintayin si upline sa lahat ng activity ang gusto si upline ang naka-front act. Ang ganitong tao ay hindi mapaprocess na yun ang napakahalaga sa business. Mababaw ang pundasyon ng ganitong tao, madaling bumigay ang ganto dahil hindi matibay. 19. PROCRASTINATES • manana habit • too many reasons to delay things that can be accomplished today Money is usually equated to time, if you waste your time, youre wasting money. Maximize the use of your time! Ito naman yong mga tao na pwede naman gawin na ang dapat gawin puro mamaya na. Tumatagal ang panahon sa kanya ng walang nangyayari o walang nagbabago sa buhay nya dahil dinidelay ang lahat ng dapat na sana ay gagawin na nya, 20. PHYSICALLY UNFIT • lacks energy. • always in a bad condition. • has unhealthy lifestyle. the only way to have a healthy mind is to have a healthy body Lousy din ang ganitong tao, health products ang inaalok pero hindi makikita ang epekto ng product na inaalok nya duon sa sarili nya. 21. SMALL TIME ATTITUDE Thinks that network marketing as a small time business. Ang ganitong tao naman hindi ibinibigay ang effort dahil hindi pa nakikita ang pagiging bigtime ng business ng network marketing, palibhasa maliit lang ang puhunan kaya treat nya sa business ay small time business. KEY TO SUCCESS: 1. Decide what you want. 2. Be willing to pay the price 3. Pay the price
Posted on: Fri, 06 Jun 2014 01:12:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015