Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph12] Ashley’s - TopicsExpress



          

Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph12] Ashley’s POV “Sixth floor, room 608, right wing,” sabi ni Francis bago siya tuluyang umalis. Huminga muna ako ng malalim bago tumuloy sa building kung nasaan ang condo ni Eph. Parang gusto ko na ngang umatras, eh. Kahit naman sino siguro talagang manginginig at mangingimi nang tumuloy. Paano kung wala siya doon? Eh di nagsayang lang ako ng effort at nagpagod lang ako? Paano din kung busy siya? Eh di makakaistorbo pa ako. Natigil ako sa pagpindot sa elevator nang may isa pang ideya na pumasok sa isipan ko. Paano kung may kasama siyang babae? Paano kung... “Esh,” lalabas na sana ako ng elevator pero sakto namang may mga pumasok at hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong lumabas. “Miss, anong floor?” tanong sa akin nung isang babae. “Six please.” Naramdaman kong gumalaw na ang elevator. Nung nasa 4th floor na ay bumaba na ang babaeng nagtanong sa akin kanina, mas nauna pa siya kesa sa akin. Sumunod na ay ako. nagdadalawang isip pa akong iapak ang paa ko sa labas ng elevator. “Room 608...” huminga ako ng malalim at shinake ang mga kamay ko, patalun-talon din ako at bumubuga-buga ng hangin habang nasa harapan ng pinto ng kwarto. “Kaya mo yan, Ash, push mo yan, ginusto mo yan.” Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Kumatok ulit ako. Mas malakas na. “Ma, I said I’m not drinking any medicine,” nabosesan ko si Eph mula sa loob. Parang bagong gising ang boses eh magta-tanghali na. Kumatok ulit ako. Anong gamot ang pinagsasabi niya? “Ma, no.” “’Mama’ ka diyan! Buksan mo na nga ‘tong pinto!” “M-Ma?” Walanghiya, kaboses ko ba talaga ang mama niya?! “Eph.” Nakarinig ako ng pagbagsak mula sa loob at ang pag-‘ugh’ ni Eph. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag-‘click’ mula sa loob ng pinto. At tumambad sa akin ang hubad-barong si Eph. Napalunok kami pareho pero nanalaytay lang naman ang mga mata ko sa pinagyayabang niya laging ‘abs.’ Akala ko pabula lang niya iyon sa akin maging sa mga kaibigan niya... pero... it’s a miracle! “Ash?” Napapikit-pikit ako at binalik ang mga mata sa kanya. “S-Sorry... ano kasi,” nakakawala ng konsentrasyon ang katawan niya. Naka-shorts naman siya pero walang sapin ang mga paa. Halata ding bagong bangon lang siya dahil gulu-gulo pa ang buhok nya. Napalunok ulit ako. “Mauna na ako.” “Hey---no,” hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Awtomatikong lumapit ako sa kanya at sinalat ang leeg niya, “sh1t tinablan ka ng sakit.” “Ashley, naman, eh,” ngumiti siya ng malamya sa akin. May sakit nga siya. “Okay lang bang pumasok ako sa loob?” ako na mismo ang nagkusa. Kalimutan na muna ang kahalayang kanina pa nag-eenjoy sa pagpapaikot-ikot sa utak ko. “Ha?” niluwangan niya ng konti ang pinto at mula sa siwang na iyon ay nakita ko ang pagkagulu-gulong kwarto niya. Halatang kwarto ng lalake. Nauna na akong pumasok sa kanya, nakasunod naman siya. “Asan ang medicine kit mo? May bimpo ka ba? Nakakain ka na? Anong kinain mo? Okay ba ang tulog mo? Kumpleto ba ang eight hours? Kailan pa yang lagnat mo? Hindi ba dengue yan? Saan mo ba nakuha yan?” “Ashley...” “Mahiga ka na lang at ako na maghahanap ng medicine kit, baka nahihilo ka na. Hindi naman nagdugo ang ilong mo, di ba? Magluluto ako ng soup mamaya---“ natigil ako sa paglilitanya at paghahalughog sa mga cabinet na nandun nang makarinig ako ng maskuladong halkakhak. Tinignan ko siya. “Hindi ka pa ‘Mrs. Ephraim Leonez’ pero ganyan ka na kung makapag-alala. What more if I’ll marry you? Hmm, sounds great,” hinimas pa niya ang baba niya. Hindi ko alam kung napakagat-labi ba ako nang dahil sa postura niya. He’s like a living sculpture! Oh, heck he IS a living sculpture! Pero agad din akong tumungo nang ma-realize kung ano ang tinatakbo na naman ng isip ko. “Manahimik ka na nga lang diyan,” sa wakas ay nahanap ko rin yung kit. Nakakita ako ng paracetamol doon. “Eto, kukuha lang ako ng tubig,” inabot ko sa kanya yung gamot. Madali lang namang makabisa ang loob ng condo niya, pagkapasok ko pa lang kanina ay alam ko na ang pasikut-sikot doon. Pumasok ako sa kusina at kumuha ng isang baso ng di malamig na tubig. Pagbalik ko sa kwarto ay nakikipag-‘I’ll-win-this-staring-challenge’ si Eph sa gamot na binigay ko pa kanina. “Oh? Ano? Akala ko ininom mo na yan? Etong tubig, oh.” “Iinumin ko ‘to?” “Kung gusto mong i-enjoy ang kapaitan niyang gamot, sige, nguyain mo,” gamot lang, di pa alam kung ano ang gagawin? “Sige, inumin mo na’t magluluto ako ng kakainin mo, baka di ka pa nag-aagahan pati tanghalian.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pumasok ulit sa kusina. Puro cup noodles, cup noodles, at cup noodles ang laman ng cup board tapos puro instant noodles, instant noodles, at instant noodles naman ang laman ng ref. Paano siya nabubuhay sa ganung mga pagkain? Pero dahil no choice, nag-init na lang ako ng tubig at binuhusan ang isang cup noodle. Tinakpan ko ulit yun at bumalik sa kwarto. At nandun pa rin si Eph habang patuloy ang staring challenge sa gamot at tubig. “Haysus, kumain ka na nga muna,” kinuha ko yung paracetamol sa kanya at binigay ang cup noodle. “Wala akong gana,” nilapag niya ang cup noodle sa katabing table at binagsak ang katawan sa kamang kinauupuan niya. Tumayo ako at namaywang sa kanya. “Pwede ba?” napalunok na naman ako nang maisip na tinititigan ko ang pinaghalong front at top view ng katawan ni Eph sa oras ngayon, “gusto mo bang gumaling o ano?” “Lagnat lang ‘to. Umulan kasi sa Palawan,” umikot siya sa kama at dumapa, yinakap pa niya ang isang unan dun, “gagaling din ako. Lalo na ngayong nakita kita.” “Okay---no! Kumain ka nga!” umupo ako sa kama niya, amo na amoy doon ang amoy-panlalake, parang gusto ko tuloy na maglagi na lang doon. “Hey,” tinulak ko siya para humarap sa akin. “Susubuan mo din ba ako gaya ng mga napapanood sa TV kapag may nagkasakit? Ganun din daw sabi ni mama kapag sa mga nakasulat na kwento,” parang batang ungot niya. “Hindi ka naman actor sa kwento para gawin ko yun,” umingos ako sa kanya. “Pero ikaw ang Juliet ko at ako ang Romeo mo.” “Pwede ba, Shakespeare, kino-kombulsyon ka na yata,” kahit kasi may sakit, nakukuha pa niyang mag-joke---or bumanat kung iyon ba ang tamang term para doon sa mga pinagsasabi niya noon pa. “Kapag kinombulsyon, nagsasalita ng di alam at malapit ng mamatay. Pero ako, alam ko ang mga sinasabi ko at matagal na akong patay sa yo,” ngumiti pa siya. Hinampas ko siya sa braso, “walanghiyang yan, tumigil ka na nga, kumain ka na lang,” tumayo ako at hinila siya sa kamay paupo. “Kakain ako.” “Dapat lang.” “Sa isang kondisyon.” Pinaikot ko ang mga mata ko, “ano naman yan, Romeo ko?” Napangiti siya dahil sa tawag ko sa kanya, “I want a kiss from you.”
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 15:52:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015