a mga kapanalig ng Diyos meron pong kumakatok sa ating mga puso. - TopicsExpress



          

a mga kapanalig ng Diyos meron pong kumakatok sa ating mga puso. maaari po ba na tayo ay tumulong umpisahan po natin sa maliit na bagay ito po ay lumalaki pagpinagsamasama na natin wala pong amount needed basta po galing sa ating puso. pm ...See more Ako’y Isang Magulang at Isang OFW Maraming nag-aasam na makapagtrabaho sa ibang bansa. Umaasang maging maginhawa ang buhay. Nanagangarap na makapagpatayo ng sariling bahay, makapag pundar ng mga appliances, higit sa lahat ay matustusan ang pag-aaral ng mga anak. At umaasang makapagtapos sila ng pag-aaral. Hinangad ko din ang magandang bahay at magagarang gamit sa bahay, pero ako yung tipo ng magulang na mas pinapahalagahan ang edukasyon. Naniniwala kasi ako na ito ang magdadala sa mga anak ko sa maayos at disenteng buhay. Yung pagiging mayaman, bonus na lang yun. Umalis ako sa Pilipinas patungong Dubai noong taong 2007sa tulong ng isang taong itinuring kong anak. Dala ang pag-asang maitataguyod at matutustusan ko ang pag-aaral ng aking mga anak hanggang sa sila ay makapagtapos. Tourist visa lang ang hawak ko, lakas loob kong hinarap ang bago kong buhay sa ibayong dagat alang-alang sa aking pangarap at sa pangarap ng mga anak ko. Masalimuot ang buhay sa ibang bansa. Lakas ng loob ang kailangan at tatag ng dibdib sa paghahanap ng trabaho. Limang beses akong nag exit sa Kish Island sa Iran tuwing mag eexpire ang hawak kong tourist visa. Madali pa noon ang mag change visa, 3 days lamang ay makakakuha ka na agad ng bagong 2-month tourist visa. Ilang lipat din ako ng trabaho dahil wise din ang ibang employer, gagamitin nila young 2-month visa mo at kapag malapit ng mag expire saka nila sasabihin sa iyo ang iba’t-ibang dahilan nila kung bakit di ka nila mabibigyan ng employment visa. Yung huling exit ko sa Kish Island, inabot ako ng 16 days doon kasi multiple entry na daw ako. Pang-lima na kasi yun at nabago rin ang rule ng UAE. Bago ka makakuha ng panibagong tourist visa dapat na one month kang wala sa loob ng UAE. So, after a month saka ka lang mai-issuehan ng panibagong tourist visa. Employment visa na ang hinihintay ko that time, pero nagkaproblema laging nire-reject ang employment visa application ko. Nakiusap ako sa boss ko na pauwiin na lamang ako sa Pilipinas kung di ako mavi-visahan. Maswerte naman akong mabait ang Pakistaning may ari ng kompayang pinapsaukan ko at pinadalhan ako ng tiket pauwi ng Pilipinas na isang maliit na bag lang at ilang pirasong damit ang dala. Hindi ko na inasahang makakabalik pa ako sa Dubai. Nagulat ako pagkatapos ng tatlong buwan may natanggap ako malaking sobre ng DHL. Ipinadala din pala ng kompanya yung employment visa ko. Kasama ng plane ticket pabalik sa Dubai. Nakapagtrabaho ako sa kompanyang yun bilang receptionist cum secretary. Maayos naman ang naging trabaho ko dangan nga lamang at maliit ang sahod. Nagtyaga ako ng dalawang taon sa kanila. Hanggang may dumating na oportunidad na may mas malaking sweldo. Nagpaalam ako ng maayos sa mga boss ko, noong una ayaw nila akong payagan pero napilit ko din sila. Masaya na sana ako sa bago kong trabaho. Nakakapagpadala ako ng medyo malaki-laki na rin di tulad noong una. Sa madaling salita kontento na ako sa sweldo ko at masaya ako na natutugunan ko ang kailangan ng mga anak ko. Bagama’t wala akong ipon. Hindi ko inaasahang may malaking trahedyang mangyayari sa amin. Nagmiss call ang anak ko sa akin dis oras ng gabi, nag call back ako sa kanya at sinabi nga nya na naaksidente daw ang bunso kong anak sa motor at sila ay nasa hospital. Hindi daw gumising at kailanga i- CT scan para malaman ang kondisyon ng ulo nya. March 28 2013 noon. Nakita sa resulta ng CT scan na nagkaroon ng blood clot sa ulo at kailangang matanggal yun. Agad-agad akong nagpaalam sa boss ko na uuwi ako sa Pilipinas. Na-comatose ang bunso ko at kaisa-isang anak na babae at na ICU ng 23 days. Pagkatapos noon ay nakalabas na sya sa ICU at nailipat sa ward. Napakalaking pera ang nagastos. Sa ngayon hindi pa kami nakakalabas sa hospital dahil malaki-laki pa rin ang natirang bill. Walang pinipili ang pagsubok o sadyang mapaglaro ang tadhana. Dumarating kahit kanino. Sinusubok ang pananalig sa Diyos. Nasa dead end ako ngayon. Wala ng masulingan. Nasaid na namin ang bulsa namin at nadamay pa ang bulsa ng mga kapatid, at ilang kamag-anak at kaibigan. Umaasa pa rin akong masolusyunan ang problema namin. In His time. Sumubok na kaming mag-asawa ng iba’t ibang paraan. Pero sa ngayon ay wala ng gustong magpa-utang. Lumapit din kami sa mga ahensya ng gobyerno pero gaya ng inaasahan di nawawala ang palakasan at napakabagal na proseso. Hindi rin pwedeng asahan ang tulong ng gobyerno sa mga ganitong emergency cases. Kung wala kang kapit o kakilala hindi ka papansinin maglumuhod ka man. Sa hospital na kung saan naka confine ang anak ko, ilang pung pakiusap na ang ginawa ko para palabasin kami para di na madagdagan pa ang bill namin, wala silang konsiderasyon kahit pa iniiwan ko na ang titulo ng lupa ng Uncle ko na ipinahiram sa akin, para lamang makalabas kami at makagawa ng paraan. Theme song yata nila ang awit na Pusong Bato. Kinakaawaan ko na ang sarili ko habang isinusulat ko ito. Sana ay mayroong pang malambot na pusong tumulong sa amin. Bilang OFW, mayroon akong katanungan, worth ba na umalis ng bansa, nakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng walang palyang pagpapadala ng remittance sa aming pamilya? Pagkatapos ng pagsasakripisyo anong tulong ang mahihingi naman namin sa gobyerno natin? Sya nga pala may nakuha naman ako sa Philhealth, 41,000 php. . . ? Ang petsa ngayon ay May 16, 2013, 8:03 a.m. mahigit isang buwan na kami sa hospital. Maya-maya lang tiyak ko ipapatawag na naman ako sa Window 5 – Billing Section. Bernadette Dela Cruz 1Like · · Promote · Share Daniela Casandra Bautista, Anabelle Antenorcruz, IV de Archimedes and 2 others like this. Susan Magdaraog Bautista ....i mean any amount will do, salamat po sa mga nag reply at sa mga mag re-reply palang. 10 minutes ago · Like
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 03:22:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015