ahahaha.! ayos.! Playful Love (Mapaglarong Pagibig) - TopicsExpress



          

ahahaha.! ayos.! Playful Love (Mapaglarong Pagibig) HAHAHA! Mapaglarong pagibig… Ako si Aimee.. Isang ordinaryong college student, Masiyahin, Palakaibigan, May pagka mahiyain. Lagi akong takbuhan ng mga kaibigan ko kapag may problema sila sa pag-ibig. Nagbibigay ng mga payo. Ang bait kong kaibigan eh, kahit na wala pa kong experience. No boyfriend since birth. Hindi naman ako pangit actually ang ganda ko nga eh :) at marami nading nagtangkang manligaw sakin, pero hindi ko pinayagan. ayaw ko pa, wala pa sa isip ko yun, ayoko pa pumasok sa isang relasyon, ayoko pa ng commitment =) siguro natatakot lang ako masaktan. Siguro din hindi ko pa forte yun. Isang araw sinama ako ni Claire sa Birthday party ng Friend nya. Wala akong kakilala dun. iniwan naman ako ni Claire kasi andun yung Boyfriend nya. kaya un inenjoy ko nalang yung pagkain. Pero feeling ko na oout of place ako, so i decided na umupo nalang sa isang sulok, nagmumukmok, at naghihintay na yayain ni Claire na umuwi. habang nakaupo ako may lumapit sakin. Sabi nya ” Ui bakit ka nag eemo jan? mag isa ka lang?” Sabi ko ” ay hinde ang dami ko ngang kilala eh kaya nga wala kong kasama dito!” Sabi nya ” HAHAHA pilosopo ka ah , Samahan nalang kita :)” Sinamahan nya ko. Tumabi siya sakin. Nagkwentuhan kami. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Kitang kita ang kasiyahan sa mga mata namin, parang matagal na kaming magkakilala. Hanggang sa nakuha nya yung facebook ko. Naputol yung usapan namin kasi nagyaya na umuwi c claire. Nga pala nagpakilala din siya. ” Liam “ Liam ang pangalan nya. At tumatak yun sa isip ko =) Hanggang sa isang araw me nag add sakin sa Facebook. Nagkakachat kami. Then one day napapayag nya kong lumabas… Halos every week ends lumalabas kami ni Liam. At unti unting nahulog ang loob ko sa kanya. Everyday sinusundo nya ko sa dorm at kapag uwian ko hinihintay nya ko sa school para ihatid sa dorm.. graduate na kasi siya at malapit lang yung dorm ko sa bahay nila. Self - Employed siya. May business sila. Gang sa lumipas ang ilang buwan, ang tiyaga nya talaga sakin. Napapayag nya ako na manligaw siya. Di nagtagal…. August 17.. (birthday ko) Nagtaka ako bakit hindi nya ko sinundo at hinatid sa dorm.. pag uwi ko galing school.. pag pasok ko ng dorm.. me nakalagay na Banner ” HAPPY BIRTHDAY AIMEE.. I LOVE YOU - Liam “ may mga rose petals pa sa may kama ko.. may boquet ng rose at may scrapbook =) Tas pumasok siya sa dorm may dalang cake. Maluha luha ako nun..sobrang touch ako at kinikilig din!! =”> At nung gabing din yun sinagot ko siya :) ang saya namin. lagi nyang pinaparamdam sakin na special ako at ako lang talaga. Pero hindi pa alam ng magulang ko na may kasintahan na ko. lumipas ang ilang buwan.. ang saya saya talaga namin. pero tutol ang mga kaibigan ko sa kanya. ayaw nila si Liam para sakin. pero hindi ako nakinig.. mahal ko eh.. 1 year na kami.. may usapan kaming lalabas.. inantay ko siya sa dorm.. tanghali.. hapon.. gabi.. kala ko may surprise siya.. meron nga siyang surprise… na surprise ako na hindi siya dumating. hindi ganun si Liam.. siguro may problema siya.. panay ang text at tawag ko pero hindi siya sumasagot. lumipas ang ilang araw wala kaming communication. nainis ako! nagtampo! then one night nagtext siya. L: ” babe, sorry hindi ako nakapunta nung birthday mo.. at hindi ako nakapag paramdam ng ilang araw, medyo busy ako. andito nga pala ko ngayon sa davao may inaasikaso lang hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito” A: ” okay lang.. naintindihan ko.. bakit hindi mo agad sinabi sakin? kelan ka babalik? miss na miss na kita =( i love you! “ hindi siya nagtext back. umabot ng isang buwan as in hindi siya nag paparamdam. Tinawagan ko siya! hindi siya nag sasalita… ang dami kong sinabi! pero ang sabi nya lang.. Sorry , hindi na kita mahal! simpleng salita pero napakasakit.. ang daming tanong sa utak ko.. gusto ko siyang kausapin..pero hindi nya ko kinakausap tumagal ng ilang araw.. sumuko na ko..hindi na ko aasa gumuho ang mundo ko kung kailan binigay ko ang lahat lahat.. na halos wala ng natira para sakin.. na halos sa kanya na umiikot ang mundo ko! ang dami naming pangarap.. ipinagpalit ko ang mga kaibigan ko sa kanya.. pero sa isang iglap nawala! nawala ng hindi ko alam kung bakit! Super depress ako.. halos di makakain, napabayaan ang sarili, ang pag aaral.. halos ilang buwan din akong ganun.. Pero eto na ko makalipas ang tatlong buwan. Si Aimee.. na mas naging matatag, na nakamove on na.. Balik ulit sa dati.. Ang swerte ko dahil nandiyan padin ang mga kaibigan ko kahit na medyo napabayaan ko sila dahil sa pesteng yun! Hanggang sa meron nanaman akong nakilala.. si Gerald.. Schoolmate ko siya.. Hindi siya masyadong gwapo pero ang galing nyang kumanta.. Halos araw araw magkasama na kami.. ang gaan ng loob ko sa kanya.. Pero hindi ko siya pinayagang manligaw.. kasi natatakot na ko.. Naintindihan niya naman.. Pero maghihintay daw siya.. Pero bakit ganun? heto nanaman ako.. na huhulog na ang loob ko sa kanya.. hanggang sa nahulog na nga ng tuluyan. isang gabi.. hinarahana nya ko.. ang sweeeeeet =)) kinilig nanaman ako. at napag isip isip ko na.. Mahal ko na siya.. Oo mahal ko na siya pero hindi pa kami.. ayaw ko pa ng commitment.. kailangan ko pa ng oras.. hanggang sa isang maulan na gabi.. may kumatok sa pinto ko.. yung Security Guard.. ang sabi nya ” may naghahanap sayo sa labas” may nakita kaong tao.. basang basa sa ulan.. si Liam.. Ako ” anong ginagawa mo dito! umalis kana hindi kita kailangan “ Liam ” please lang babe.. pakinggan mo muna ko… mahal parin kita.. at hindi ko kaya na mawala ka “ Ako ” bakit? hindi ko rin kinaya nung nawala ka! nawala ka ng walang dahilan! akala mo madali lang yun para sakin? halos ikamatay ko yun Liam! “ niyakap nya ko.. niyakap nya ko ng mahigpit na mahigpit, hindi ako makawala.. pinagbigyan ko siya..nag usap kami. ang sabi nya sakin. kinausap ako ng mga kaibigan mo, pati ng parents mo… layuan nadaw kita.. yun ang ginawa ko kasi yun ang tama.. Sabi ko, bakit hindi mo sinabi sakin? sa tingin mo maniniwala ako? Sabi nya, totoo yun Aimee.. patawarin mo ko =’( nagiyakan kami..nag usap ng nag usap.. Naguguluhan ako.. sino ang pipiliin ko.. si Gerald na pinasaya muli ang mundo ko o si Liam na bumuo ng mundo ko?.. mhirap pumili.. pero pinili ko si Gerald.. At natanggap naman ni Liam.. Lumayo na siya at hinayaan nya ko.. hanggang sa isang araw.. galit na galit si Gerald.. Gerald ” sino yung Liam na yun ah? bakit ka nakipag relasyon.. wala kang kwentang babae!!!! hindi na ko napag salita.. hindi nya ko hinayaang magpaliwanag. sapat na raw yung mga nalaman nya.. heto nanaman ako.. bigo sa pag ibig.. kung kailan nakahanap na ko ng lalaking mag mamahal sakin… ng tama.. masisira lang ng isang pagkakamali? nagmahal lang naman ako masama ba yun? Ako si Aimee… Umaasa, na balang araw.. makakahanap ako ng lalaking.. matatanggap ang mga pag kakamali ko.. at mamahalin ako ng buo.. Someday~ nga pala… Babae si Liam..
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 12:02:18 +0000

Trending Topics



r>
.HAGÁMOSLA LLEGAR A LA MÁXIMA CANTIDAD DE HOGARES. Antiguamente

Recently Viewed Topics




© 2015